Chapter 26 - Beautiful

125 3 1
                                    

[Dara’s POV]

I cried beside Shone’s body.

Hindi ko akalain na gagawin niya ‘to para sa’kin, na para bang wala siyang pakialam kung mamatay man siya. Ang gusto lang niya ay maging safe ako. Napaka-selfless ng ginawa niya.

“Akala nyo ba, tapos na?”, sabi ng isang boses.

Napatingin ako sa may pinto. Nandito sina Law at ang tropa! Ibig sabihin ba nito, kanina pa sila kasama ni Shone?

“Buti na lang may GPRS ang cellphone ni Shone”, sabi ni Law, sabay hampas ng baseball bat sa isa sa mga kasama ni Vincent. “Kaya ayun, na-trace namin siya!”

“Ayos ka lang ba, Dara?”, tanong ni Jao habang tinatanggal  ang tali sa katawan ko.

“Jao?”

Ngumiti ito sa’kin. “I can’t just stand there at hintayin kung ano ang magging kahihinatnan nyo ni Shone ditto, kaya nakipagtulungan na’ko sa kanila.”

I smiled. “Salamat.”

“Lumabas na tayo dito”, sabi ni Ricky na akay-akay si Shone. Tumango si Jao at inalalayan ako. Sina Law, Nero, Marcus, Janus at Darth ay busy pa rin sa pag-jombag sa mga kaibigan ni Vincent. Ganun din ang mga girls. Sina Gwyneth at Esmerald nga ang bumugbog kay Vincent.

Ganyan talaga sa T.U. Kahit ang mga magaganda at sexy na mga babae doon, may alam sa pagbasag ng mukha. >_<

Sa ospital….

Pinuntahan ko si Shone sa kwarto niya. May mga benda siya sa katawan dahil sa mga sugat niya. May minor na bali ang binti niya kaya nakabenda din. Kahit na maraming tinamong hambalos si Shone, at least hindi malala ang naging damage sa kanya kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Buti naman at okay ka lang”, sabi sa’kin ni Shone.

Ngumiti ako. “At buti na lang di masyadong malala ang nangyari sa’yo. Isipin mo na lang, ilang hambalos din yung tinamo mo. Bakal yata yang katawan mo eh.”

Tumawa si Shone. “Siguro nga, o baka dahil masamang damo lang ako. Pwede rin dahil weak yang ex mo at yung mga minions niya.”

Tumawa rin ako. Kahit kelan talaga napakayabang ng lalaking ‘to.

“First time lang kita nakitang umiyak nang ganun Sabi ko na nga ba, matagal ka na’ng in lababo sa’kin”, mayabang na sabi ni Shone.

“Ang yabang mo talaga!”, sabay hampas sa binti niyang nakabenda.

“Aray!”

“Oh my gosh! Sorry! Ang yabang mo kase, kainis ka…”

Biglang bumukas ang pinto.

“Girl! You have to see this!”, excited na sabi ni Minji sa’kin, at ipinakita niya sa’kin ang digicam niya.

“Ano’ng meron dito?”,

“Trust me, Dara. Matutuwa ka sa makikita mo dyan.”

Pag-browse ko ng mga pictures sa digicam, nakita ko ang mga pictures ni Vincent at ng mga kaibigan niya na sugatan at nakatali at parang nagmamakaawa. Nakaka-LOL, langya. XD

“Oh my glob! Ang cute!”, I said, laughing.

“Ano ba yang pinagtatawanan nyo?”, tanong ni Shone.

“Tingnan mo ‘to”, sabi ko, sabay abot sa kanya ng digicam ni Minji.

Nang makita ni Shone yung mga pictures, halos maiyak siya sa kakatawa.

“Takte, ang cool nito!”, sabi niya, at tumawa siya ulit. “I-upload kaya natin ‘to? Ilang ‘likes’ kaya makukuha natin? Wahahaha!!”

“Ang mean mo talaga”, sabi ni Minji, sabay kuha ng digicam niya kay Shone. “Ipapa-frame na lang natin ‘to. Baka puro mga hate comments lang ang matanggap natin pag in-upload natin ang mga ‘to.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon