Chapter 7 - Let the Games Begin

260 4 0
                                    

[Dara's POV]

Nakaka-badtrip! Akala siguro ng Shone na yun natatakot ako sa kanya! Makikita niya, ako mismo ang dudurog sa mukha niya!

Maya-maya pa'y may nakarinig ako ng sipol.

"Miss, ang sexy mo naman! Can I get your number?"

Napatingin ako sa ID niya. Engineering pala siya. Leshe, feeling gwapo, ang chaka naman!

"Sorry, pero di ko ibinibigay ang number ko sa kung sinu-sino lang", sabi ko, at tumalikod ako.

Bigla akong nakaramdam na may pumalo sa pwet ko. 'Nak ng----! Bastusan na'to ha!

"Kuya, halika dito", sabi ko sa lalaking humihingi ng number ko. Lumapit naman siya habang kinakantyawan ng tropa niya.

Paglapit niya, agad ko siyang sinipa sa gitna. Napatumba naman 'to sa lupa sa sobrang sakit.

"Next time, mamimili ka ng babastusin mo", sabi ko, sabay tapak sa dibdib niya. "Ayusin mo muna pagmumukha mo bago mo'ko diskartehan", at iniwan ko na siya sa sitwasyon niya.

Perverts... Tss.... Feeling gwapo looking gag* naman! Dapat sa kanila, dinudurog na parang mga linta! 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinext si Darth.

Cuz, mauna na'kong umuwi sa'yo.

8 PM:

Nagawa ako ng mga assignments nung gabing yon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number? Sino naman 'to?

"Hello? Sino 'to?"

"Nakakasama naman ng loob, best. Di mo na'ko naaalala..."

Putragis... Narinig ko na naman ang boses ng bitch kong ex-bestfriend! Gumanda ang gabi ko! Tss...

"Ano namang masamang hangin ang nasagap mo at naisipan mo 'kong tawagan?"

"Well, I just want you to know na... masaya si Vincent sa piling ko. Actually, nandito siya sa bahay ko, nagpapakaligaya. Ang saya nga eh."

I smirked. "Really? Buti naman at natiis mo ang amoy ng basura ko. Alam mo, lalo mo lang pinapatunayan sa'kin na scavenger ka. Masahol ka pa sa mga nagkakalkal ng basura sa Payatas. Nakakaawa ka."

"Wala ka talagang breeding! How dare you talk to me like that?? Para sabihin ko sa'yo, basura ka na. Simula nang mapunta ka sa TU, naging patapon ka na, and you know what, nababagay ka sa school mo ngayon. Nakuha ko na ang lahat ng meron ka ngayong wala ka na sa Firefly."

Napangisi ako. Scavenger nga talaga ang babaing 'to. Lalo niya talaga pinapatunayan sa'kin na tagasalo lang siya ng mga tira-tira ko.

"Well, pakasaya ka sa mga tira-tira ko. I-enjoy mo lang yan. Kung sa bagay, bagay nga naman sayo ang mga second-hand na mga bagay."

"Wala ka pa ring pagbabago. Wala ka talagang puso!", halatang pikon na siya.

"Talaga? Well, salamat at napansin mo rin. May sasabihin ka pa ba?"

"You bitch!", nagngingitngit na ang ahas.

"Kung bitch ako, ano ka pa? Ngayon, kung wala ka nang sasabihin, may mga bagay pa'ko na dapat asikasuhin", sabay end call.

Puro daldal lang ang babaing yon. malandi nga, pero weak naman pag ako ang nakabangga. Tss...

Lumabas muna ako sa may pool para magpahangin. Magpapalamig na rin ako ng ulo. Napangisi na naman ako, dahil siyempre, ako na naman ang nanalo kay Aeris pagdating sa batuhan ng mga patutsada. >_< Kailangan pa tibayan ng babaing yon ang dibdib at sikmura niya para talunin ako. XP

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon