Chapter 3 - New Friends

387 8 2
                                    

[Dara’s POV]

Matapos ang ilang oras na tiniis ko sa pakikinig sa mga boring lectures ng mga prof namin, nag-ring na ang bell pagdating ng 12 ng tanghali. Lunch break na, kaya ang mga estudyante, parang nakawala sa hawla.

Dumiretso ako sa locker section para kumuha ng ilang mga gamit. Habang naglalakad ako papunta do’n, isang eksena ang tumambad sa’kin. Teka, sila yung binugbog ni Shone kanina sa lobby ng CS building! Ako naman, nagpaka-fearless. Lumapit ako sa nambu-bully.

“Hoy, itigil mo na yan”, sabi ko, sabay hawak sa balikat nito.

“Sino ka ba? Bakit ka nakikialam dito?”, maangas na tanong ng bully sa’kin.

I smirked. “Kung mambu-bully ka, bakit hindi yung kasinlaki mo? Duwag ka ba? Puro kasi maliliit ang pinupuntirya mo. Take on someone your own size, jerk!”

“Kahit babae ka, kayang-kaya kitang patulan ----”

Sinalo ko ang galit niyang kamao. “Hindi mo’ko kilala, kaya wag mong subukan gawin sa’kin yan”, sabay sinipa ko siya sa gitna. Natumba ito sa sakit ng pagkakasipa ko. Pointed ba naman yung dulo ng boots ko. >_<

“Tumakbo na tayo!”, sabi nila, at tumakbo silang lahat na parang mga bata. Tss… wala rin pala silang binatbat. Tama nga si Shone sa kanila.

Binalingan ko naman yung estudyanteng binully nila. “At ikaw naman, parang di ka lalaki! Bakit di mo ipinagtanggol ang sarili mo? Para kang damsel in distress!”

Hindi ito sumagot. Nanatili lang siyang nakayuko.

Medyo naawa na rin ako sa kanya. Inilahad ko na lang ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.

“Tumayo ka na nga dyan. Sayang yung ganda ng sapatos mo”, sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko at tumayo.

“Ako nga pala si Ricky”, pakilala niya. “Salamat, at pasensya na kung naabala kita.”

[MR. SHY BOY

NAME: Ricky Angelo Manuel

COURSE: Accountancy

YEAR: 2nd year

AGE:  17

Reason kung bakit siya nasa T.U:

Inutusan siya ng mga kaklase niya sa dati niyang school na mag-shoplift. Ayun, nahuli siya at na-kick out.]

“I can’t stand those fools”, sagot ko. “By the way, bago ka lang ba dito?”

Umiling si Ricky. “Simula first year nandito na’ko. 2 years na nga akong binu-bully ng mga yon. Ano nga pala pangalan mo?”

“Dara”, sagot ko. “Transferee lang ako dito.”

“Kaya pala parang ngayon lang kita nakita”, sabi naman ni Ricky. “Ang tapang mo para sa isang transferee.”

“Good job!”, sabi ng boses ng isang babae.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang nakasandal sa may pader. Rubber shoes ang suot niya imbis na black shoes. Nakapusod din ang buhok niya, at meron siyang suot na black gloves na may butas para sa mga daliri.

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon