Chapter 25 - You are my Everything

146 3 0
                                    

[Shone’s POV]

The next day…

Paggising ko, wala na si Dara sa tabi ko kaya pumunta ako sa kwarto ng mga girls at baka sakaling doon siya natulog.

“Venice, nasa’n si Dara?”, tanong ko kay Venice.

“I dunno. Brigid, si Dara daw, nasaan?”, sabay tingin siya kay Brigid.

“Ay, maagang umalis yon, mga 6 AM pa lang. Masama daw pakiramdam niya eh”, sagot naman ni Brigid.

Pagbalik ko sa kwarto, agad kong dinial ang number ni Dara at tinawagan siya, pero di niya sinasagot ang tawag ko. Nakailang tawag na’ko pero wala pa din, tapos cannot be reached pa. Hay… Ano na ba nangyari sa kanya? Nag-aalala na’ko…

[Dara’s POV]

“Dara, kanina pa tumatawag si Shone. Sagutin mo na kaya”, sabi ni Darth.

“Hayaan mo siya dyan”, sagot ko. “Ayoko muna siya makausap.”

“LQ na naman ba kayo?”

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa tahimik kong pag-iyak. Ang sakit kasi. Ako yung girlfriend niya pero ibang babae nasa puso niya. Parang napilitan lang siya na maging boyfriend ko. T^T

Monday morning….

Naglalakad ako nu’n papuntang Music Room nang hawakan bigla ni Shone ang braso ko.

“Dara, mag-usap naman tayo”, sabi niya.

Agad ko naman binawi ang braso ko. “Wag muna ngayon, Shone, please lang.”

“Ano bang problema, Dara?”

“Ano’ng problema, Shone?? Yang puso mo! Yan ang may problema!”

“Ano bang sinasabi mo dyan?”

“Ako nga ang girlfriend mo, pero di naman ako ang itinitibok nyan, kundi si Hyuna pa rin! Alam mo, sinusubukan ko naming maging mabuting girlfriend sa’yo eh, pero masakit dahil kahit anong gawin ko, wala pa rin akong laban sa kanya”, hindi ko na naitago ang frustration ko.

“Dara…”

“Mas mabuti kung maglayo muna tayo”, sabi ko. “Para naman makapag-isip-isip ka, at ganun din ako”, sabay walk out.

Lumabas muna ako ng campus. Umiiyak ako na naglalakad sa sidewalk. Kailangan ko ng kaibigan ngayon, kaya sinubukan kong tawagan si Jao.

“Hello, Dara?”

“Jao, may klase ka ba?”

“Wala naman. Bakit?”

“Magkita tayo sa --------”

Biglang may tumakip sa bibig ko. Sa puntong yon, unti-unting dumilim ang paligid ko, at nawalan na’ko ng malay….

Matapos ang ilang minuto….

Nagising na lang ako na nasa madilim na lugar na’ko. Bodega yata yung lugar na’to, at nagulat na lang ako nang di ako makagalaw sa pwesto ko. Yun pala nakatali na ‘ko sa kinauupuan ko.

“Tulungan nyo ‘ko!”, sigaw ko. Maya-maya pa’y bumukas ang pinto, at nagulat ako nang Makita ko si Vincent.

“Nice to see you again, Dara”, nakangiting sabi nito.

“Pakawalan mo’ko dito!”, sigaw ko.

“Not so fast, baby”, sagot niya, at hinawakan niya ang mukha ko. “Namiss kita, alam mo yon?”

“Get your hands off me, you jerk!”, palag ko. Tumawa lang ang hayop.

“Baby, I can give you your freedom”, sabi ni Vincent, at hinawakan niya ang chin ko. “Just be my girl again.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon