Chapter 24 - Secret Relationship

127 3 0
                                    

[Dara’s POV]

Naglalakad ako nu’n papunta sa Music Room nang mapadaan ako sa Business Administration building. Ewan ko ba kung bakit pero may na-sense akong kakaiba, kaya pumunta muna ako dun.

Sa mga oras na’to, alam kong nasa org office nila ngayon si Darth. Pagbukas ko ng pinto ng org office, nagulat ako sa nakita ko.

Magkasama sina Darth at Esmerald sa loob, na parang katatapos lang mag-kiss.

“Dara? Ano’ng ginagawa mo dito?”, tanong ni Darth sa’kin. Unti-unti akong napangiti.

“Mystery solved”, sabi ko, sabay tingin kay Esmerald.

“Sorry, Dara… kung di na’ko masyadong sumasama sa barkada”, sabi ni Esmerald.

“Okay lang yon”, sagot ko, at tumingin naman ako kay Darth. “Kelan pa kayo ni Esmerald?”

“Since 2 months ago”, sagot ni Darth.

I was instantly shocked. 2 months na sila at di pa namin napansin?? Ayos din ang ninja moves ng dalawang ‘to…

“At di nyo man lang sinabi sa’min?”

“Hindi naming ‘to pwede sabihin sa barkada”, sagot naman ni Esmerald.

“Ha? Bakit naman?”

“Dahil ayon sa batas ng yakuza natin, hindi tayo pwede magkaroon ng kasintahan na hindi kabilang sa mga pamilyang sakop ng Kirin yakuza family circle”, sagot ni Darth. Lalo tuloy akong nawindang.

“Yakuza? Batas ng yakuza natin? Ano bang sinasabi mo dyan, Darth?”

“Si Uncle Akiro ang yakuza king ng Kirin, at ikaw na anak niya ang successor niya”, paliwanag ni Darth. “Sa madaling salita, ikaw ang yakuza princess…”

Hindi ako nakapagsalita. Kaya pala nung baby pa lang ako ay inilayo na’ko ni Mama kay Papa ay dahil doon…

“Si Mama ba… yakuza din ba siya kahit nung dalaga pa siya?”, tanong ko.

Umiling si Darth. “Yan ang dahilan kung bakit hindi nakasal ang mama mo at si Uncle Akiro, at kaya inilayo ka ni Tita Xyriel kay Uncle, dahil pag nalaman ng mga magulang niya na nag-e-exist ka, gagawin kang yakuza, at ayaw mangyari yon ni Tita Xyriel.”

“Kaya hangga’t maaari, hindi pwedeng malaman ng barkada ang relasyon namin ni Darth”,  sabi ni Esmerald. “Dahil hindi lang ako ang pwedeng mapatay, pati ang barkada pwedeng madamay.”

Kinabahan ako, dahil alam ng barkada ang tungkol sa’min ni Shone.

“Pero dahil nalaman na ng barkada ang tungkol sa inyo ni Shone bago mo pa nalaman ang tungkol sa yakuza, you have to maintain the safety of your secret”, sabi ni Darth. “Siguraduhin mong hindi makakalabas sa loob ng barkada ang tungkol sa inyo ni Shone.”

“O sige”, sabi ko. Bakit kasi ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa batas na’to? Eh di sana nagamit kong excuse yun para hindi maging kami ni Shone…

Pero bakit sa kabilang banda, ayokong bitawan kung anuman ang meron kami ni Shone ngayon? Ibig sabihin ba nito, in love na’ko sa kanya for real? Oh my glob…

Kinagabihan…

Naggigitara ako nung gabing yon nang tumunog bigla ang cellphone ko.

“Hello, Shone.”

“Ang lungkot na naman ng boses mo dyan. ‘Wag mong sabihing pinoproblema mo na naman yang si Jao”, sabi ni Shone. Napabuntung-hininga na lang ako.

“Shone, I have a favor to ask you.”

“Ano yon?”

“Pwede bang… isikreto muna natin na tayo na? Wala munang ibang makakaalam kundi yung barkada lang.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon