Chapter 23 - Kaibigan lang pala

140 2 0
                                    

[A/N: Nagulat ako, biglang nag-increase ang reads ng story na'to...hehe! Thanks sa mga readers ko, na matiyagang naghihintay ng update ng story na'to...:) medyo naging busy lang sa school kaya ayun...eh medyo free na 'ko ngayon...haha! Sana po patuloy nyo po supportahan yung story na 'to at yung iba pang stories ko...I love you, readers! Looking forward pa rin ako sa mga feedbacks nyo... :D]

[Dara’s POV]

12 NN:

Pagkalabas namin ni Shone sa classroom naming sa Sociology, biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-text pala si Jao.

From: Best-Jao

Dara, pde b tau mgkta s rooftop?

“O, sino yan?”, tanong ni Shone.

“Si Jao”, sabi ko. “Mauna ka na sa tambayan. May pag-uusapan lang kami.”

“Teka, sasama ako.”

“Shone, pwede ba? ‘Wag ka nga masyadong nosy dyan. Personal issue ‘tong pag-uusapan namin!”, daig pa nito ang asawa eh!

“O sige na! Mamaya mag-uusap pa tayo ha?”, sabi ni Shone.

“Oo na! Sige na, gorabels na’ko”, at naglakad na’ko palayo sa kanya.

Pagdating sa rooftop, nakita ko si Jao na nakaupo na naman sa bench at nakasuot ang headphones habang nakatingin sa ibaba. Agad ko siyang nilapitan at kinalabit.

“Hi, Jao!”, bati ko.

 “Hi, Dara. Kumain ka na?”

Umiling ako. “Mamaya na, pagpunta ko sa tambayan.”

Ngumiti ito. “Ganun ba? Umm… Kamusta naman ang pagiging girlfriend mo ni Shone? Balita ko, kayo na ha.”

“Hay naku! Nakakabuwisit! Alam mo yung napaka-feelingero niya? Yung maya’t-maya ka niya guguluhin? Bubwisitin? Kaasar!”

Tumawa si Jao. Maya-maya, tumingin siya sa’kin.

“Siya nga pala, may sasabihin ako sa’yo.”

“Ano yon?”

Hinawakan ni Jao ang kamay ko. “Gusto kita, Dara.”

“Dara, I’m in love with you!”

Loading….

Ayaw mag-sink in ng mga sinabi sa’kin ni Jao. Hindi ko napaghandaan ‘to. Hindi ko alam kung pa’no magre-react. Ayoko mawala ang friendship namin dahil dito.

“Jao… I’m sorry”, sabi ko. “Mahal kita, Jao, pero bilang kaibigan. Wala nang hihigit pa dun. I’m very sorry…”

Biglang tumunog ang cellphone ko.

“He ----”

“Hoy, Dara! Nasa’n ka na ba? Sabi ko may pag-uusapan pa tayo ha!”

Packing tape talaga ‘tong lalaking ‘to! Makasigaw naman ‘to, akala mo bingi yung kausap…

“Oo na! Papunta na’ko dyan!”, sigaw ko din, sabay end call. Napatingin ako kay Jao. He is looking at me with sad eyes.

“Sige, Jao, bababa na’ko”, sabi ko, at umalis na’ko na may konting guilt na nararamdaman.

Pagdating ko sa pinto ng tambayan, parang nag-aalangan akong pumasok. Alamko kasing tutuksuhin ako ng mga pasaway kong mga kaibigan dahil kami na nga ni Shone. Inaabangan talaga nila yung araw na yun eh. Tss…

Pero di bale na. Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga itlog!

“Dara! Buti naman at nandito ka na”, sabi ni Shone, at tumingin it okay Venice. “Venice, dun ka tumabi kay Minji! Dyan uupo ang irog ko.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon