Chapter 6- You Don't Know Me

270 6 0
                                    

[Dara's POV]

"Really? Hinalikan ka talaga ni Shone sa cheeks??", bulalas ni Brigid. Grabe, ang ingay naman ng babaing 'to...

"Wag ka ngang maingay dyan", sabi ko. "And please, wag mo nga 'ko ngitian nang ganyan! Ni hindi ko nga pinagnasaan yung ugok na yun! Yuck!"

Nasa cafeteria kami no'n dahil lunch break. Medyo marami nang tao kaya sinaway ko talaga yung bruhang Brigid na'to.

"Ang choosy mo naman teh! Si Shone na yun ah. Ang hot kaya ni Shone", sabi ni Brigid, at ininom niya ang strawberry shake niya.

"O sige sayo na, Brigid! Iyong-iyo na", medyo asar na 'ko. "Para sabihin ko sa inyo, hindi ako magkakagusto sa troll na yun! Kahit siya pa ang huling lalake sa mundo, mas gugustuhin ko pang maging old maid 'no."

Oh, and speaking of the devil... papunta na dito si Shone at si Boy Lollipop. Tsk...

"Hi, girls!", bati ni Law sa'min. Ngumiti lang ako nang konti.

"Mukhang kinikilig ka pa rin sa ginawa kong paghalik sa'yo", bulong ni Shone sa'kin. Sinubukan ko siyang wag pansinin. "Gusto mo, isa pa? Sa lips naman?", sabay haplos sa mukha ko.

Agad ko siyang sinikmuraan. "Gagu ka 'no? Feelingero ka pa."

Napahawak si Shone sa tiyan niya. Kahit na nakangisi siya,halatang nasaktan 'to sa ginawa ko.

"Tara na nga! Naaalibadbaran na'ko dito", sabi ko, sabay tayo sa kinauupuan ko. Sumunod naman sina Gwyneth, Brigid, at Esmerald sa'kin.

"Bye, Shone!", sabi pa ni Brigid. Pa-cute talaga 'tong babaing 'to.

Pumunta muna kami sa tambayan nina Gwyneth. Naabutan namin dun sina Janus at Marcus na naglalaro ng dama.

"Pa'no ba yan? Panalo ako ulet", mayabang na sabi ni Janus. As usual, may yosi na naman siya sa bibig.

"Takteng yan", napailing si Marcus. Ayos ha. Kahit papaano may utak din pala etong si Boy Tattoo.

Maya-maya biglang may pumasok sa tambayan. Ngayon ko lang siya nakita. May suot siyang hand gloves na may butas para sa mga daliri at may spikes na maliliit. Meron din siyang piercing sa dalawang tenga.

[THE SNOBBISH PRINCE

NAME: Nero Andrew Maniego

COURSE: Multimedia Arts

YEAR: 2nd year

AGE: 17

Reason kung bakit siya nasa TU: 

Pumasok siya sa dati niyang school under the influence of alcohol, tapos naghamon pa siya ng away sa loob ng campus dahil lasing. Ayun, na-kick out. ]

"Nero, napadaan ka", sabi ni Gwyneth, sabay high-five sa bagong dating, at iniharap niya yon sa'kin. "Nero, si Dara nga pala, bagong kasapi sa tropa. Dara, si Nero nga pala."

Nag-smirk si Nero. "Welcome sa tropa."

"Salamat", sabi ko.

Lumapit naman siya kina Janus at Marcus.

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon