Chapter 27 - Sweet Moment

94 3 0
                                    

[Jao's POV]

The next day.....

Paggising ko, the first thing na ginawa ko ay tawagan si Janelle para mag-sorry, pero di niya sinasagot ang mga tawag ko. Maybe she's still mad at me for being such a jerk. Oo, inaamin ko na, jerk ako. Ang tanga ko kasi, hindi ko pinahalagahan ang mga ginagawa ni Janelle para sa'kin.

"Good morning, son!", bati ni Mama sa'kin habang nagluluto siya sa kitchen. "I prepared your favorite pancakes with chocolate syrup and whipped cream."

I smiled. "Thanks, ma."

"Bakit parang ang lungkot mo ngayon? May problema ka ba, anak?"

Umiling ako. "I'm okay, ma. Don't worry."

Ilang saglit ako natahimik.

"Ahm, ma... Di muna po ako papasok ngayon. Medyo sumama po kasi ang pakiramdam ko. I think I want to get some rest."

Pumayag naman si Mama na di muna ako pumasok kaya pagkatapos mag-almusal ay bumalik ako sa kwarto ko. Ang totoo nyan, kaya ayoko muna pumasok kasi ayoko makita sina Shone at Dara. lalo lang kasi ako masasaktan.

Sinubukan kong tawagan ulit si Janelle pero wala pa ring sagot, and it made me feel worried...

[Dara's POV]

"Ayiee!! Ang sweet naman", comment ni Brigid nang ikwento namin sa kanya ang ginawa ni Shone kahapon.

"Oy, Dara! Tinuruan pa namin yang si Shone sumayaw. Sa loob ng 3 days talaga sinubukan niyang matuto, kahit pipilay-pilay pa siya", sabi ni Janus.

Pipilay-pilay pa siya nu'n? Ibig sabihin...

"Prinaktis ko yung sayaw namin paglabas ko ng ospital. Actually, I'm not a good dancer. Buti na lang at nagustuhan mo", at hinalikan ako ni Shone sa pisngi.

"Ano ka ba? Ang galing mo kaya. Pa-humble pa'to", sabi ko, sabay pisil sa ilong niya.

Hinawakan ni Shone ang kamay ko. "Tara, I want to spend some time alone... with you."

I blushed. Ang sweet talaga ng baby Shone ko. :3

"Guys, excuse us for awhile. I just want to spend some time with my leading lady", sabi ni Shone.

"Wow! Oy Shone, baka naman the next day, may baby na sa sinapupunan yang si Dara", sabi ni Janus. Kinaltukan siya ni Shone.

"Ikaw talaga, Janus. Delete mo na nga yung mga secret files sa laptop mo", sabi ni Shone, at lumabas na kami ng tambayan.

Sa rooftop kami pumunta ni Shone para makapag-bonding kaming dalawa.

"Eto na yata ang pinakamasayang moment ng buhay ko", sabi ni Shone habang nakayakap sa'kin. "Di ko akalaing dito tayo hahantong, na sa'yo pala ako magiging masaya."

Tiningnan ko siya with sad eyes. nang makita ni Shone ang lungkot sa mga mata ko ay hinaplos niya ang pisngi ko.

"What's the matter, babe? May problema ba?"

Kailangan ko na ipagtapat sa kanya ang sikreto ng pamilya namin, dahil kung hindi... maaaring mapahamak si Shone at ang mga kaibigan namin.

"Shone, may ipagtatapat ako sa'yo."

Tiningnan ni Shone ang mga mata ko. "Ano yon? Alam mo kung anuman yan, don't worry. Mamahalin pa rin kita. Walang magbabago."

"Shone, galing ako sa pamilya ng mga yakuza, at ayon sa batas namin, hindi kami pwede ma-in love sa taong labas sa yakuza namin."

Ilang sandali kami nanahimik ni Shone. Hinawakan lang niya nang mahigpit ang mga kamay ko.

"Dara, hindi ko kakayanin pag iniwan mo'ko..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon