Chapter 14 - Aeris' Party

217 4 1
                                    

[Dara’s POV]

After 3 days…

“Dara, may nakita akong invitation para sa’yo sa mailbox. Iwan ko na lang dito sa table mo”,sabi ni Darth. Nasa bathroom kasi ako nung mga oras nay un, nakababad sa bathtub.

“O sige”, sabi ko. Maya-maya pa’y narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.

After a few minutes, umalis na’ko sa bathtub at nagtapis. Paglabas ko ng bathroom, tiningnan ko kaagad yung laman ng pink envelope na nasa table ko.

Invitation ‘to para sa birthday party ni Aeris sa Saturday.

Kamusta naman? In-invite ako ng aking ex-bestfriend sa party niya. Ano na naman kaya ang binabalak ng witch na’to?

Pero okay na rin ‘to. Sa oras na magkita ulit  kami, paluluhurin ko ang babaing ‘to.

Bukod sa invitation, may isang piraso pa ng papel sa loob.

Bring some of your new friends along.

May kakaibang aura akong naramdaman. I can feel that she’s really up to something.

 Sa TU:

Pumunta ako sa HRM building at hinanap si Gwyneth. Sa org office ng JAHRM ko siya nakita.

“Gwyneth!”

“Brad!”, bati nito sa’kin na busy sa pagpi-PSP. “Wazzup?”

Hindi na’ko nagpaligoy-ligoy pa. “In-invite ako ni Aeris sa party niya sa Saturday.”

“Si Aeris? Yung Ms. FC na mukhang retokada?”, tanong naman ni Gwyneth.

“Retokada naman talaga yun.”

“Grabe, bukingan talaga? Bakit ba ganyan na lang ang pang-ookray mo sa kanya?”

“Ex-bestfriend ko ang impaktitang yon, at kaya ako pupunta sa party na yon para ipakita sa kanya na mali ang taong binangga niya, so ano? Sama ka?”

“May mga chicks?”

I gave her a deadly stare.

“Chillax lang, brad! Hot ka kaagad eh. Sige, sama ako! Gusto ko ma-witness yung binabalak mo.”

“Good”, sabi ko. I smirked. Kung may binabalak mang masama sa’kin si Aeris sa araw na yun, I’ll make sure na di siya magtatagumpay.

Saturday afternoon, 3 PM:

Isinuot ko ang Gothic Lolita outfit ko na pina-rush ko pa sa family designer naming. Siyempre di naman ako papakabog sa impaktitang yon! Kailangan mas maganda ang costume ko sa kanya.

Pagbaba ko sa sala nandun na si Gwyneth na nakasuot ng Shaoran Li costume. Cross-dressing talaga ang peg ni Tomboy.

“Ganda mo brad!”, bulalas nito.

“I know right”, sabi ko. “Tara lets! We can’t waste time!”

****

Pagdating sa Sunshine Resort, nag-retouch muna ako sa kotse. Gusto ko pagbaba ko fresh na fresh ako, kahit polusyon yung pupuntahan namin.

“Okay lang ba hitsura ko?”, tanong ko. Nag-thumbs up lang si Gwyneth.

Si Gwyneth lang ang kasama ko. Pa’no kasi, yung iba di pwede. Si Esmerald, may training pa dawn g ice skating. Si Brigid naman, may lakad din. Si Mnji naman, sasama dapat, kaso bigla niyang naalala na may date pala sila ni Janus, kaya ayun! Isa lang ang kasama ko.

“Honestly, magkasing-ganda kayo ng ex-bestfriend mo”, sabi ni Gwyneth.

I smirked. “’Wag mo ngang ma-compare-compare ang beauty ko sa impaktang yon. Natural beauty ‘to, sa kanya, ‘salamat po dok’. Tss…”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon