Chapter 19 - Unexpected Transferee

184 3 0
                                    

[Jao’s POV]

The next day…..

Nasa Music Room ako ng Firefly College at nagpa-practice mag-piano. Ganito kasi ang gawain ko pag break, kahit nung nandito pa si Dara. Lagi pa nga kami magkasama ditto, tapos makikinig siya sa’kin habang tumutugtog ako. Minsan sasabayan pa niya ng pagkanta ang pagtugtog ko.

 Alam kong nung isang araw lang at kahapon magkasama kami ni Dara, pero di pa ’ko kuntento dun eh. Gusto ko kasi ibalik yung dati, na lagi kami magkasama, at isa lang ang paraan na naiisip ko…

 “Hi, Jao!”, bati sa’kin ng isang boses.

Napaangat ako ng ulo. Si Janelle pala yon, isa sa mga kasama ko sa glee club. Siya ang kapatid ng Campus Queen na si Aeris. Compared kay Aeris, total opposite naman sila ni Janelle, kasi si Janelle, mabait, mahinhin, at magaling makisama.

“Hi, Janelle!”, bati ko din sa kanya.

“Nakaistorbo ba ‘ko? Pasensya na…”

“Hindi, okay lang yon.”

Ilang sandal kami nanahimik.

“Jao…”

“Ano yon, Janelle?”

“Pwede ba… Pwede ba tayong mag-lunch nang sabay?”

Natigilan ako at pinagmasdan si Janelle. Napansin kong medyo namula siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

“O sige ba”, sabi ko, at kinuha ko ang mga gamit ko. “Let’s go?”

Tumango naman si Janelle, at sabay kaming lumabas ng Music Room.

Habang naglalakad kami sa corridor, nakasalubong namin si Hyuna. Hindi ko dapat papansinin si Hyuna, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako.

“Jao, we need to talk… in private”, bulong niya.

“Janelle, mauna ka na sa’kin sa cafeteria. May pag-uusapan lang kami”, sabi ko kay Janelle. 

“Okay…”, sabi naman niya.

Hinila ako ni Hyuna sa isang bakanteng classroom.

“Ano bang pag-uusapan natin?”, sabi ko, sabay upo sa isa sa mga desk.

“Talagang proud ka pang sabihin na may ugnayan kayo ng bitch na Dara na yon, ‘no?”, inis na sabi ni Hyuna sa’kin. Napa-smirk na lang ako.

“Oo, proud ako. Kahit ipagsigawan ko sa buong mundo na best friend ko siya at mahal ko siya, kaya ko”, sagot ko.

“Wala ka na bang pakialam sa reputation mo? Honor student ka pa naman! Dean’s lister, tapos nakikisama ka sa isang walang breeding at bitchy na babaeng katulad niya ---”

Di ko na napigilan ang emosyon ko. Hinawakan ko ang braso ni Hyuna at idiniin ko siya sa pader.

“Mabait ako, Hyuna. Wag mo ‘kong pilitin maging masama sa’yo”, I warned. “Next time na subukan mong siraan si Dara sa harap ko, baka di na’ko makapagpigil.”

Marahas ko siyang binitawan at lumabas na ‘ko ng classroom.

I have to make a very important decision, and I have to make it fast…

[Dara’s POV]

2 weeks after…

[Now Playing: Stand by Me by SHINee]

Nagsa-soundtrip ako nu’n sa school garden nang biglang may nag-poke sa ulo ko.

“Aray ko naman!”, bulalas ko. Napalingon ako sa likod ko. Sino pa nga ba ang may mabigat na kamay na may lakas ng loob na gawin sa’kin yun…

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon