Chapter 1: Moving Out

661 11 1
                                    

[Dara’s POV]

9 AM:

Busy ako sa pag-iimpake ng mga gamit ko nung umagang yon. Lilipat na naman ako ng bahay. Nakakaurat din etong magaling kong ama eh! Kesyo pangit para sa’kin yung lugar na nilipatan ko, kesyo di ako bagay dun… Kung tutuusin, wala naman akong problema sa mga nilipatan ko. Siya lang naman ang may problema. Pa’no, TNT kase. (Tago nang tago!)

Kung sa bagay, sanay na rin naman ako sa ganitong buhay, pero nakakasawa na! At ang masama pa, hindi ko pa nakikita ang mukha ng Papa ko. Oho, tama po ang nabasa nyo. Ni minsan sa tanang buhay ko ay di ko pa nakikita ang mukha ng papa ko. Nakikipag-communicate lang siya sa’kin through calls at mga audio devices. Parang Charlie’s Angels lang, kaso di ako angel eh. Wahaha!

Tapos na rin ako sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Isinuot ko ang pulang jacket ko at lumabas na’ko ng kwarto dala-dala ang maleta ko. As usual, naghihintay sa’kin sa labas ang isang pulang kotse at binuksan na ng driver ang pinto para sa’kin.

“Okay na po kayo, ma’am?”, tanong ng driver sa’kin. Hindi ako sumagot. Dire-diretso akong pumasok sa kotse.

Pagkaupo ko, agad kong ipinatong ang dalawang paa ko sa likod ng upuan katabi ng driver’s seat. Naka-jeans naman ako kaya walang problema.

“Ma’am, ‘wag nyo pong ipatong yung paa nyo dyan. Madudumihan po yung upuan”, sabi ng driver sa’kin.

“Trabaho mo ba ang makialam sa’kin?”, mataray na tanong ko. Hindi nakaimik si Manong Driver.

“Pasensya na po, ma’am”, sabi niya, at nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

Wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon. Naiinis ako sa papa ko, kung alam lang niya. Naasar din ako sa sarili ko. Bakit ba’ko nagiging sunud-sunuran sa isang taong di man lang nagpakita sa’kin ng mukha niya kahit kelan? Nakakairita, leshe! =__=

After several minutes, nakarating kami sa isang malaking bahay. Correction, magarang bahay nap ala. Automatic pang bumubukas ang gate. Pagpasok namin sa loob, agad akong bumaba ng kotse. Nang ibigay sa’kin ng driver ang maleta ko ay agad ko itong kinuha.

Maya-maya pa’y lumabas ang isang matangkad na lalaki na naka-black na long sleeves at black na pants. Medyo magulo din ang buhok niya. Halatang bagong gising lang eh.

“Ang aga nyo ha”, sabi niya. Napatingin na lang ako sa kanya mula ulo hanggang paa. “Pasensya na. Kagigising ko lang eh.”

Sabi ko na nga ba eh.

“Ikaw ba si Dara, yung pinsan ko”, tanong nito sa’kin.

Tumango ako. “Eh sino ka ba? Ngayon lang kita nakita.”

“Ako si Darth Jimenez”, pakilala nito sa’kin. “Pamangkin ako ng papa mo.”

In fairness, gwapo’t papable din itong pinsan ko. Parang model ang tindig! Pang-leading man ang dating… Pero bawal kong pagnasaan ‘to. Incest na tawag dun. Yuck. =___=

Kukunin na sana niya ang maleta ko pero tinabig ko ang kamay niya.

“Kaya ko na’to”, taas-noong sabi ko. “Sa’n ang kwarto ko?”

“Sa taas”, sagot ni Darth, at nanguna siya sa pag-akyat ng hagdan. “Come, I’ll show you.”

Pagdating namin sa kwarto ko, binuksan ni Darth ang pinto nito para sa’kin.

“Dito ang kwarto mo”, sabi niya. “Ano? Okay ba?”

In fairness, ang ganda ng kwarto ko. I like it goth. Magaling din itong si Darth. Natumbok niya ang taste ko.

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon