Chapter 17 - Date Gone Bad

190 2 0
                                    

[Dara’s POV]

Kinagabihan….

Nasa kwarto ako nun at busy sa paggawa ng assignment nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Shone. Ano na naman ang meron sa ugok na’to?

“Hello?”

“Hoy Dara, may date pa tayo bukas. Matulog ka na para di ka naman magmukhang zombie.”

“Mamaya na! Nagawa ako ng assignment eh!”

“Wag mo nang gawin yan! Panira lang yan ng social life eh.”

“B.I ka rin eh, no?”

“Joke lang yun, brad! Sige na, pagkatapos nyan matulog ka na.”

“Oo na! Goodnight”, sabay end call.

Kahit kelan talaga istorbo yung lalaking yon. Sarap sakalin!

Pero kahit papa’no, natutuwa rin ako sa kanya. Kahit madalas akong inaasar ng mokong nay un, natutuwa naman ako sa kanya, at parang di kumpleto ang araw ko pag di kami nag-aasaran.

The next day, after class….

Paglabas ko ng CS building, nakaabang na si Shone at ang motor niya. Mukhang di ko siya pwedeng takasan. >_<

“Sakay na”, sabi ni Shone.

“Wala pala akong takas sa date na’to”, biro ko.

Nag-smirk si Shone. “Bakit? May balak ka bang tumakas?”

“Wala naman, sinasabi ko lang”, sabi ko, at sumakay na’ko sa motor niya. “Leggo na!”

“Leggo?”

“I mean, tara na! Sa’n ba tayo pupunta?”

“Basta, malalaman mo rin pag nandun na tayo, at saka magugustuhan mo yung mga gagawin natin. Gamer ka ba?”

Tumango ako. “Oo naman! Bakit?”

“Buti naman”, at pinaandar na ni Shone ang motor niya.

Pagdating sa mall, sa arcade ako dinala ni Shone. Ayos, nagpipiyesta ang mga mata ko dito. Gusto ko na maglaro!

“Guitar Hero tayo”, sabi ni Shone, at ibinigay niya sa’kin yung gitara sa Guitar Hero.

“Game!”, sagot ko, at sinimulan na namin ang rakrakan. Pagkatapos nun, marami pa kaming nilaro.

After several minutes, sa Tekken naman kami. May pustahan na kami. Pag siya nanalo, libre ko siya. Pag ako nanalo, siya manlilibre.

Ang ganda ng laro namin. Matatalo na ng Xiao Yu ko yung Jin Kazama niya. I’m so great! Hahaha!

Pero ano ‘tong nangyayari? Anak ng ---! Bumabawi ang mokong sa’kin!

“Pa’no ba yan? Panalo ako”, sabi ni Shone.

“Wag ka munang magpakasaya dyan! May Round 2 pa”, sagot ko. This timeyari ka na sa’kin, Shone! Gutom ako kaya humanda ka!

Pagdating ng Round 2, di tinantanan ng Xiao Yu ko yung Jin ni Shone. Ayun, panalo ako!

Pagdating ng Round 3, ako na ulit ang nanalo. Napagod na yata si Shone. Ang weak eh!

“Pa’no bay an? Ako’ng nanalo”, sabi ko. “Tara! Dairy Queen na tayo!”

“DQ talaga ang gusto?”, sagot naman ni Shone. “O tsara! Marami naman akong pera…”

Nakakita ako ng stuffed toy catcher. “Shone! Kuha mo’ko nun!”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon