Chapter 11 - Ice Cream

220 4 0
                                    

[Dara's POV]

Pagdating namin sa parking lot, di pa rin kami maawat ni Esmerald sa pagtawa. Gustong-gusto ko talaga yung hitsura ng mga tsismosang yun matapos ko silang banatan. Epic win talaga! XD

"Ang taray mo, girl!", sabi ni Esmerald. "Saludo na'ko sa'yo. Ikaw na talaga!"

Pasakay na kami sa kotse nang may marinig kaming mga boses na parang nag-aaway.

"Hyuna, mag-usap tayo."

"Kilala mo ba ang lalaking 'to?"

"Hindi, babe.Tara na."

"Hyuna, please -----"

"Di mo ba narinig sinabi ng girlfriend ko? She doesn't even know you ----"

Bigla na lang sila nagkasapakan.

Sinasabi ko na nga ba! Si Shone na naman yung nakikipag-away, at dahil na naman kay Hyuna! Kahit kelan talaga etong lalaking 'to...

"Esmerald, pwede bang mauna ka na?", sabi ko kay Esmerald. "May gagawin lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo. Sige na, umuwi ka na."

Umalis na si Esmerald.

Tiningnan ko muna kung ano ang mga susunod na mangyayari.

"Shone! Stop it!", sigaw ni Hyuna, sabay sampal kay Shone. Natameme naman si Shone sa pagsampal sakanya nito.

"Hindi kita gusto, Shone! You're nothing but a nuisance! Ayoko sa'yo dahil wala kang kwenta, tapossa T.U ka pa nag-aaral! Hindi ikaw ang tipo ko so get out of my face!"

Hindi na'ko nakatiis. Lumabas na'ko sa pinagtataguan ko at hinarap ang bruhildang Hyuna na yon.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo", sabi ko. 

"Dara! Ano'ng ginagawa mo dito?", sabi ni Shone.

“Manahimik ka muna dyan, pwede?”, sagot ko. Ang shunga talaga ng lalaking ‘to.

“Next time na babanatan mo nang ganyan ang future boyfriend ko, make sure na di ko naririnig”, sabi ko. Oh shemay! Deep inside, nasusuka ako sa pinagsasabi ko.

Nag-smirk si Hyuna. “Future boyfriend? Ha! Kung sa bagay, bagay naman talaga kayo. Pareho kayong walang breeding, parehong patapon ang buhay. Pareho kayong basura.”

Sinampal ko ang bruha. Grabe na ang pang-iinsulto niya. Pasalamat siya’t sampal lang ang natanggap niya sa’kin.

“How dare you na sampalin ako??”, galit na bulalas nito.

“Don’t you dare insult me. Hindi mo’ko kilala”, sabi ko. “To tell you off, that slap is for insulting us, and this”, sinampal siya sa kabila. “Para yan sa pagiging paasa at bitch mo!”

“Ang kapal ng mukha mong babae ka!”, sasabunutan na sana ako ni Hyuna nang hawakan ko ang braso niya at itulak ko siya. Napasalampak siya sa sahig. Weak naman pala ang bitch na’to.

“Pasalamat ka yan lang ang inabot mo sa’kin”, sabi ko. “Siguro nga barumbado si Shone, pero wala ka pa rin karapatan na paasahin at gaguhin siya. Next time na insultuhin mo siya, ako, o ang TU, I’m gonna beat you up!”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon