Chapter 8: Sports fest Incident

253 4 0
                                    

[Shone's POV]

"Next game: CS vs. BA!"

Aaminin ko, medyo malakas itong mga kalaban namin, lalo na si Darth, ang presidente ng JBEA. Hindi kami dapat makampante sa larong ito.

Pumuwesto na kami. Tumingin ako kay Nero na siyang unang magse-serve.

"Pare, galingan mo", sabi ko. "Nice service lang."

"Okay", sagot naman nito, at pumorma na ito. Pumito na ang referee.

At tulad ng sinabi ko, ginandahan ni Nero ang pag-serve. Muntik na'ng mag-in, kung hindi lang naharang ni Darth. Tsk!

"Ako na kukuha!", sabi ko, sabay set sa bola. Lalo akong ginaganahan maglaro.

After several minurtes, medyo nasa alanganin kami, dahil nakakalamang na sa'min ang JBEA nang 5 points.

"Hoy, Shone! Ayusin nyo laro nyo!", sigaw ni Dara na nasa audience. Napailing na lang ako. Kahit kelan talaga demonyita ang babaeng 'to.

"Go, Nero!!", tili naman ni Venice na nasa audience din. Isa pa 'tong pinsan ko. Hay naku...

Kung nandito lang si Hyuna, may inspirasyon sana ako, kaso di siya pwedeng pumunta dito. Lagot siya sa mga taga-FC pag nagkataon. =___=

Ako na ang magse-serve. Kailangan manalo kami. Di ako papayag na matambakan kami.

"Shone, ayusin mo yung serve mo!", sigaw ulit ni Dara na alam ko namang inaasar ako.

"Go, Shone!! Go, CS!!", sigaw naman ni Law na amy dala pang megaphone. Todo-suporta talaga ang presidente ng CS. X)

Isinerve ko na ang bola. Ayos! Ang ganda ng pasok. Lalong umiinita ng laban, at nauwi sa buwis-buhay.

Naaabutan na namin ang JBEA!

"Go, CS!! Go, CS!! Go, CS!!"

Lumalamang na kami nang 6 points after ilang minutes.

"Go, CS!! Go, CS!! Go, CS!!"

At ayun! Panalo kami sa first set. May second set pa.

"Kamusta panonood mo dyan?", tanong ko kay Dara na may halong pang-aasar.

"Buti na lang naipanalo mo yung first set", sabi ni Dara. "Dahil kung hindi, ipapa-salvage kita."

"Wag kang masyadong mayabang dyan, Miss Saltek. Ngayon ka lang sa championship ng soccer", sagot ko. "Sige, balik na kami dun. Mag-enjoy ka sa panonood mo sa'min."

Binelatan ako ni Dara. Hay... so far siya na ang nakilala kong may pinakamalalang sira sa ulo. Tss... Akala naman niya di ko kayang ipanalo ang larong 'to.

[Dara's POV]

Pinanonood ko ang laro ng volleyball boys kasama sina Law at yung iba pa naming mga kaibigan. Kalaban ng CS sina Darth. Hindi ko na alam kung sino mananalo sa kanila.

"Dara - unnie! Ang gwapo talaga ni Nero!", sabi ni Venice na nakakapit sa'kin. Ang sakit naman makabaon ng mga kuko nito pag kinikilig! Grr...

"Hoy, kapag di mo itinigil yang kakapisil mo sa'kin, sasabunutan kita", I warned.

"Sorry my dear", pa-sweet na sabi niya, sabay bitaw sa braso ko. Talandi talaga ng babaing 'to. Tsk!

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon