Chapter 13 - Question and Answer

226 4 0
                                    

[Shone’s POV]

10 minutes na ang nakakalipas mula nang lumabas si Dara para mag-CR. Ang tagal naman ng babaing yon! Malapit na kami mag-perform.

Lumabas muna ako para hanapin si Dara. Bigla naman akong hinarang ng ex-boyfriend niya. Tss… Konti na lang talaga madudurog ko na pagmumukha nito eh.

“Hinahanap mo si Dara?”, tanong nito.

“Umalis ka dyan sa daraanan ko”, sabi ko, pero biglang hinawakan ni Vincent ang balikat ko.

“Hintayin mo na lang siya ditto. Pabalik na rin yun”, sabi pa niya, pero pumalag ako sa pagkakahawak niya.

“Di ko na siya mahihintay”, sagot ko. “Kaya umalis ka na dyan. Medyo nangangati na yung kamao ko na basagin yang mukha mo.” Tumabi naman ang asungot at di na ‘ko kinulit.

Habang naglalakad ako, tinawagan ko ang cellphone niya. Agad naman ito sinagot ni Dara.

“Hello, Shone…”

“Dara! ‘Nak ka ng tokwa! Asan ka na ba? Ang tagal-tagal mong bumalik!”

“Shone, tulungan mo ‘ko! Nakulong ako sa CR.”

“Ano?? Paano’ng -----”

“Pwede ba, wag ka na maraming tanong? Just get me out of here quick!”

Nahanap ko dina ng women’s CR. Agad kong pinilit tanggalin ang tali sa hawakan. Ang higpit ng pagkakabuhol pero dahil malakas ako, naputol ko yung tali. Nailabas ko kaagad si Dara.

“Buti na lang at dumating ka”, sabi ni Dara. Agad ko naman hinawakan ang wrist niya.

“Bilisan natin! Sasayaw pa tayo”, sabi ko, at tumakbo na kami pabalik sa venue.

[Dara’s POV]

Saktong-saktong pagbalik namin sa backstage, tinawag ang pangalan naming. Umakyat kami ni Shone sa stage na parang walang nangyari.

Pumuwesto na kami ni Shone sa stage para sa performance namin.

[Now Playing: Troublemaker by JS and Hyuna]

Umpisa pa lang naging wild na ang crowd. Pa’nong hindi? Ang hot ng dance number namin eh. Haha! Pero aaminin ko, nung practice medyo namumutla pa’ko sa mga pinagagagawa naming, pero after all, okay naman pala. Kumota pa kami sa audience impact.

Pagbalik namin sa backstage, nag-high five kami ni Shone.

“Takte, ang galing natin!”, sabi ni Shone.

“Tama! Havey yung sayaw natin”, at niyakap ko siya.

Nagulat ako sa ginawa ko. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay Shone. Baka kasi kung ano pa ang isipin nito. Alam nyo na, medyo matigas pa naman pagmumukha ng mokong na ‘to.

“Magaling yung performance nyo, but still, ang basura ay basura”, naka-smirk na sabi ni Aeris.

“Wala kaming time makipag-usap sa’yo”, I bluntly replied. “Tara na, Shone.”

“Bakit di mo maipakita ang totoong kulay mo?”, sabi ni Aeris. “Bakit di mo ‘ko masampal ngayon??”

Napailing na lang ako. Di lang pala bitch ang babaeng ‘to, KSP din pala.

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon