Chapter 2 - First Day at Thornberry University

405 11 3
                                    

[Dara’s POV]

*1 week later…

“Dara, gumising ka na dyan”, sabi ni Darth habang kinakalabit ako sa balikat.

“6 AM pa lang Darth… Ang aga-aga pa eh…”, inaantok na sagot ko., sabay takip ng unan sa ulo ko.

“May pasok pa tayo nang 8 AM, kaya bumangon ka na dyan.”

Bumangon na’ko kahit ayoko pa. Iritable pa naman ako pag kulang sa tulog. Wala sa loob na naligo ako at nag-ayos para sa pagpasok ko sa school.

“Ayos ha! Bagay pala sa’yo yung uniform”, sabi ni Darth na kumakain na ng almusal. Inirapan ko lang siya.

“Syrup?”, tanong nito, sabay abot sa’kin ng syrup para sa waffles ko.

“No thanks”, sabi ko. “May whipped cream at peaches ka ba dyan?”

“Sa ref meron”, sagot naman ni Darth. Agad ko naman binuksan ang ref at kinuha ang whipped at ang jar ng peaches.

“Ang dami nyan ha”, puna ni Darth nang makita niyang ang dami kong nilagay na whipped cream sa waffles ko.

“Mas masarap para sa’kin pag ganyan”, sabi ko naman, at pagkatapos ay kumain na’ko.

“Ano’ng course mo sa dati mong school?”

“I.T. Bakit?”

“Talaga?”, nakangiting sagot ni Darth, sabay inom ng orange juice. “Di ko akalain.”

I raised my eyebrow. “Para sabihin ko sa’yo, achiever naman ako sa dati kong school. Lagi akong kasama sa Top 10. Marami na rin akong napanalunang awards sa school. Siguro nga maldita ako at matigas ang ulo, pero di ako bobo.”

“Buti naman, Dara”, sabi ni Darth, at pagkatapos ay kinuha niya ang bag niya na nasa tabi niya. “Tapos ka na kumain?”

Tumango ako. Pinunasan ko ng table napkin ang bibig ko at pagkatapos ay kinuha ko na rin ang bag ko. Sinundan ko na rin si Darth sa garahe.

Nawindang naman ako sa sports car ni Darth. In fairness ang gara! Akala ko nga kotse ni Batman eh. Kahawig kasi.

“Sakay na”, sabi ni darth. Agad naman akong pumasok sa kotse niya. Isinara niya ang pinto para sa’kin.

“Darth, sa’n ba’ko papasok?”, tanong ko kay Darth pagpasok niya sa kotse.

“Hindi mo ba napansin yung emblem sa blouse mo?”, sagot naman nito. Nakita ko na naman ang evil grin niya.

Tiningnan ko ang emblem sa left pocket ng blouse ko. Ganun na lamang ang pagkawindang ko nang basahin ko yung pangalan ng school.

“Thornberry University? Ibig sabihin -----”

“Dyan ka mag-aaral, Dara, sa school na nababalitaan mong mababa ang ratings at sinsabi ng iba na eskwelahan ng mga pasaway at kick-out”, nakangising sabi ni Darth. “By the way, dyan rin ako nag-aaral.”

Asar na asar ako sa sinabi niya. “No! Ayoko mag-aral sa lecheng school na yon! Gusto ko na umuwi!”

Nagpatuloy lang sa pagda-drive si Darth. “Inutos sa’kin ni Uncle na i-enroll ka sa T.U, kaya wala ka nang magagawa kundi ang mag-aral doon.”

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon