Chapter 15 - It's Payback Time!

204 4 0
                                    

[Dara’s POV]

Monday morning…

Naega jae jalnagga!

Naega jae jalnagga!

Ano ba yan… istorbo naman ‘tong phone ko…

Si Shone ang tumatawag. Ano ba naman ‘tong lalaking ‘to, ang aga-aga eh…

“Hello, Shone… ang aga-aga nambubulabog ka…”

“Lunes ngayon, di ba? Meron tayong gagawin! 7 AM na! 8 AM dapat nasa school ka na.”

“Ano ba yan…”

“Bilisan mo, nasa harap kami ng bahay mo ngayon.”

Nagising bigla ang diwa ko. “Weh? Di nga?”

“Joke lang, brad! Bilisan mo na kase! Naiinip na kami!”

“Teka, bakit nag-iba ang boses mo, Shone?”

“Hoy, hindi si Shone ‘to. Si Nero ‘to.”

Napakunot ako ng noo. “Teka, naka-confe ba ‘to?”

“Oo! Wahaha!”, sagot naman ni Janus. “O ayan, mukhang gising ka na! Bilisan mo na kase! ‘Wag ka na’ng pa-VIP!”

“Oo na! Maliligo na nga ako eh, bye!”, sabi ko, sabay end call. Grabe, sabik talaga sa riot ang mga loko. =___=

Pagkatapos maligo at magbihis, bumaba na ‘ko sa dining room. Bigla na lang ako hinagisan ni Darth ng strawberry cake slice.

“Sa kotse ka na lang kumain”, sabi ni Darth. “Tara na, may gagawin pa tayo.”

Pati ba naman si Darth?? Talaga naman… Ako nga medyo kabado dito, sila naman masyadong excited…

Kung sa bagay, kung iko-compare mo sila sa mga taga-FC, mas weak naman yung mga yun, no doubt.

Sa TU…

Dumiretso kami ni Darth sa tambayan. Pagdating dun, kami na lang pala ang inaantay. Andun na kasi silang lahat.

“Late ka na nang 2 minutes”, sabi ni Shone, sabay poke sa noo ko.

“Excited kayo ano?”, inis na sabi ko.

“Naman! Makakaganti na kami sa mga sira-ulong yon eh”, sagot naman ni Shone, at tumingin siya sa tropa. “Tara na! Di tayo pwede magsayang ng oras dito.”

Sa motor ako ni Shone nakasakay. Si Minji sa motor naman ni Janus nakasakay. Sina Gwyneth at Nero, naka-motor din.

“Gwyneth, dito ka na sa kotse ko. Lalo kang nagmumukhang maton dyan sa motor mo eh”, sabi ni Marcus, sabay akbay kay Gwyneth.

Tinanggal ni Gwyneth ang braso ni Marcus na nakaakbay sa kanya. “Mas gusto kong magmotor, at please lang, wag mo ‘kong maakbay-akabay at makindat-kindatan dyan! Di tayo talo.”

Napakamot na lang ng ulo si Marcus at pumasok sa kotse niya.

“Esmerald, sumakay ka na”, sabi ni Darth, at binuksan niya ang pinto ng kotse niya. Napansin kong namula si Esmerald kaya lihim akong napangisi.

“Ahm… Nkakahiya naman sa’yo, Darth…”, sabi naman ni Esmerald.

“Sige na, Esmerald! Okay lang yan”, sabi ko, sabay kindat kay Esmerald. Sumakay na rin siya sa kotse.

“Ready na kayo?”, sabi ni Shone.

“Ready na!”, they all said in chorus, at sabay-sabay nilang pinaandar ang mga sasakyan nila.

Thornberry UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon