[Shone’s POV]
Sa loob ng sinehan…
Napansin kong di ako gaanong pinapansin ni Dara. Nakatingin lang ito sa screen, hindi ako kinikibo…
Maya-maya pa, bigla itong nagsalita.
“Ganyan ka na ba katanga pagdating kay Hyuna?”
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya.
“Alam mo dapat kung kailang ka susuko. Kapag alam mong pinapaasa ka lang, tumigil ka na. Bigyan mo naman ng konting pride ang sarili mo”, sabi ni Dara. “Kasi kung mahal ka niya, hahayaan niyang ikaw mismo ang makakita ng mali mo. Tatanggapin ka niya kung sino ka., hindi yung pupwersahin ka niyang magbago, hindi yung ipaparamdam niya sa’yo kung gaano ka ka-worthless.”
Kinuha ni Dara ang susi ng posas at kinalagan ito.
“Sana makatulong ang mga sinabi ko sa’yo para matauhan at magising ka na”, at tumayo siya at iniwanan ako.
Napaisip ako. Siguro nga tama si Dara. Matagal ko na rin nililigawan si Hyuna pero hindi ko naramdaman na na-develop ang feelings niya sa’kin, at yung kanina? Pakiramdam ko ginawa lang ni Hyuna yon para galitin si Dara, kasi wala akong maramdaman na pagmamahal sa paghawak niya sa mukha ko kanina. Lalo akong napaisip, ganun nga ba talaga yun?
Kasi kung oo, masasabi ko na’ng… natauhan at nagising na ‘ko.
The next day…
Pagpasok ko sa classroom, nagulat ako dahil wala si Dara dun. Madalas kasi present siya, at hindi yun nale-late kahit isang beses, pero ngayon… bakante ang upuan niya.
“Mr. Alvarez, late ka na naman”, puna ni Sir Jed sa’kin.
“I’m sorry, sir”, sagot ko naman, at umupo kaagad ako sa tabi ni Law.
“Nasa’n si Dara?”, bulong ko kay Law.
“I dunno. Di ko siya nakita eh”, sagot nman niya.
Napatingin ulit ako sa bakanteng upuan ni Dara. Bakit kaya di pumasok yung babaing yun ngayon? May sakit ba siya? Ano kaya nangyari dun?
Teka, bakit nga ba ako nag-aalala sa kanya ngayon nang ganito? Grabe, di ko naman siya girlfriend…
Pagkatapos ng klase, pumunta kami ni Law sa tambayan.
“Hi, boys!”, bati ni Venice sa’min.
“Dumaan ba dito si Dara?”, tanong ni Law.
Umiling si Venice. “Hindi nga eh. I wonder kung bakit di ko siya nakikita ngayon.”
Suddenly, I felt the urge na lumabas muna.
“Law, Venice, labas muna ako saglit”, sabi ko, at lumabas na’ko para maglakad.
Matapos ang ilang minutong paglalakad, napadaan ako sa Music Room. Nakarinig ako ng boses na kumakanta at naggigitara. Ang ganda ng boses. Dahil na-curious ako kung sino yung kumakanta, pumasok ako sa loob ng Music Room.
Nagulat ako nang makita ko kung sino yung kumakanta. Walang iba kundi si Dara! Napahinto ito sa ginagawa niya.
“O, ba’t nandito ka?”, tanong nito.
Ngumisi ako. “Kaya ka pala hindi pumasok sa subject ni Sir Jed, ha…”
“Eh ano naman sa’yo?”, sagot ni Dara sa’kin. “Lumabas ka na nga! Iniistorbo mo’ko…”
Hindi ako umalis. Sa halip, kumuha ako ng upuan at umupo sa harapan niya.
“O, anong ginagawa mo dyan? Di ba sabi ko, lumabas ka na?”