PROLOGUE

17 1 0
                                    

WARINING: Ang storyang 'to ay fiction lamang ibig sabihin kathang isip lamang 'to ng manunulat 'wag masyadong seryosohin, kung may mababanggit mang mga pangalan, lugar o organisasyon ito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang.

Liezel pov

Alam niyo ba yung pakiramdam na kahit anong  try niyong gawin yung isang bagay wala talagang nangyayari, yung tipong mapapasabi kanalang ng "Ginawa ko naman eh! Hindi lang talaga gumana", "Sinubukan ko naman eh! Kaso hindi ko talaga kaya".

Lahat tayo ay may ibat-ibang uri ng kagandahan yung iba ay nasa labas na kaanyuan at yung iba naman ay nasa kalooban.

Hi im Liezel Aritza Alvarez 20 years old woman who loves to watch sun rise for me kasi sun rise means new beginning, new feelings, new positive vibes, 4th year college taking BSIT, wala pa 'kong plano pag tapos ng college life ko.

Marami akong gustong gawin sa buhay ko pero hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan kagaya nalamang ng pag papapayat, this past few years kasi grabe na agad yung timbang ko dahil siguro sa stress eating, pero bata pa lamang ako'y mataba na talaga ako.

No'ng una'y na cu-cutan pa sila sa'kin pero habang tumatagal ay hindi na sila natutuwa, ilang beses na rin akong sumubok mag papayat ngunit wala talagang nangyayari sumusuka lang ako at kung hindi naman sumusuka, naisusugod sa hospital dahil bigla nalang nahihilo.

At dahil do'n imbis na pumayat ako lalo pang lumala ang stress eating ko which hindi nakatulong dahil lalo lang akong lumaki.

Tuwing may family reunion kami ay palagi lamang akong nasa loob ng kwarto ko dahil sa oras na lumabas ako ayun patay na ako na ang laman ng usapan nung mga kamaganak ko.

Dumating din ako sa puntong hindi ko na kinakayang tingnan ang sarili ko sa salamin kaya ipinatanggal ko ang lahat ng salamin sa kwarto ko.

Maraming nag sasabi sa'king kaya wala daw nag kakagusto sa'kin dahil mataba daw ako subukan ko daw mag papayat baka magustuhan nila ako, pero hindi ba kung gusto ka talaga ng isang tao kahit ano pang itsura mo, kahit anong dark sides mo he/she will love you no matter what.

Hindi ko talaga maintindihan ang bagong beauty standard ngayon, kailangan mong mag mukhang "standard" para lang may mag mahal sa'yo or di kaya naman kailangan mong mag please ng tao mahalin kalang nila kasi hindi ikaw yung "standard" na hinahanap nila.

Maraming kabataan sa henerasyon ngayon na kahit bata palamang sila'y namumulat na sila sa sinasabing "Beauty Standard" laking pasasalamat ko nalang talaga na naenjoy ko pa ang kabataan ko't hindi ko pa alam ang beauty standard na 'yan no'n.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now