"Sam! Sam!" Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Simone na nakatingin sa akin. "Okey ka lang? Anong nararamdaman mo?" Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Ate Aida sa kabilang gilid ng kama ko. Nakita ko naman sa malayo sa akin ang lalake at nakatingin rin.
"Bakit?" Iyon ang una kong nabigkas. Malat ang boses ko at tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
"Sigaw ka ng sigaw. Hindi ka namin magising kanina." Sinubukan kong umupo at tinulungan ako ni Simone. Hindi ko alam ang nangyayari. Ang alam ko lang ay nanaginip ako. Iyon yun araw na pinagsamantalahan ako ng demonyo.
"Nauuhaw ako." Kaagad umalis si Ate Aida. "Matagal ba? Hindi ko alam ang nangyayari. Nanaginip ako."
"Anong panaginip mo?" Tumitig lang ako kay Simone sa tanong niya. Tumingin ako sa lalake at nakatingin siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Umalis ka dito!" Sigaw ko kahit paos sa lalake. Naalala ko na naman lahat-lahat dahil sa panaginip. Tumingin muna ito sa akin mabuti bago tumango at umalis sa kwarto ko.
"Sam...napanaginipan mo ba?" Tumitig ako kay Simone at di ko na napigilan ang pagluha ko. "Sam..." Niyakap ako nito at lalo akong umiyak. Parang bumalik lahat at kahit sakit na pisikal ay parang nararamdaman ko.
"A-yoko na, Simone. Ayoko n-na." Ayoko ng maalala ang buong detalye ng nangyari pero kusa silang bumabalik.
...
"Sir Matthew phone po." Kumakain ako ng marinig ko ang pagtawag ni Ate Aida kay Matthew. Malapit lang ang phone sa dining area."Thanks, ate." Sinulyapan ako nito sumandali pero inirapan ko lang ito. Kung pwede sana ay ayokong makita ito pero imposible dahil nasa iisang bahay kami. Parang sinumpa ako ng dalawang beses sa kalagayan ko. "Ivy...bakit hindi ka sa cell phone ko tumawag." Kahit hindi ko gustong marinig ang salita niya ay naririnig ko dahil sa lapit ko sa kanya. "Bukas? Hanggang kailan?" Umiling na lang ako at kumain. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang palampasin ang pagkain ngayon. Oras-oras ay gutom ako at kapag hindi ako kumain ng tama sa oras ay sumasakit ang tiyan ko. "Tawagan na lang kita sa cell phone." Pakiramdam ko naman ay humina ang boses nito na tila ayaw parinig sa akin. "Sige, sige. Salamat. Pag-iisipan ko muna." Dumaan ito sa hapagkainan pero hindi ito tumingin sa akin. Mas mabuti na iyon. Kaagad itong umakyat ulit sa palagay ko sa kwarto niya. Sana magkulong na lang siya ulit gaya kanina.
"Narinig ko. Sino si Ivy?" Umiling ako kay Simone na kakarating lang. Nagkibit balikat ako. "Naku! Naku, Sam, dapat alam mo kung sino ang mga babaeng malapit sa asawa mo."
"Wala akong pakialam, Simone. Kahit makipagrelasyon pa siya sa iba by all means gawin niya. Wala akong pakialam."
"Sam...kahit ano pang sabihin mo diyan, asawa mo pa rin siya. Sinasabi ko sa'yo. Hindi sa gusto kitang magduda sa kanya pero dapat lang alam mo ang lahat ng whereabouts ng asawa mo."
"Hindi ako interesado, Simone. Mas mabuti na rin iyon mambabae siya para maghiwalay na kami ng mas maaga."
"Hay, Sam..." Hindi na ako sumagot sa kanya at kumain na lang ng kumain.
...
Limang araw na hindi umuwi si Matt. At iyon ang pinakamasayang limang araw sa buhay ko. Libre akong maglakad-lakad sa bahay. Maupo sa living room. Magbasa ng libro sa libary. Ang tanging kasama ko lang si Simone, si Ate Aida at may isa pang babae na tagaluto namin. Nakikihalubilo na rin ako kay Ate Aida kahit alam kong malapit siya sa lalake na iyon. Mabait naman ito at malalahanin. Parang nanay ito kung magsalita at mag-alala sa akin.Naging libangan namin sa limang araw na iyon ang manuod ng teleserye at kahit doon man lang ay pakiramdam ko na hindi ako nag-iisa. Kapag tapos na ang balita ay magkukulumpunan na kami sa living area para manuod ng teleserye. Pakiramdam ko sa limang araw na iyon ay naging malaya ako at naging normal. Hindi ko iyon kailan man naramdaman kapag nandito si Matt.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...