"Ayan...Look at him. Isn't he the hottest classmate we have?" Tumingin ako kay Jessie. Classmate ko sa lahat ng third year subjects ko. Third year irregular ako dahil may kulang pa ako ng ilang units na pang-second year na ngayon ko palang kinukuha. Tiningnan ko naman ang tinuturo ni Jessie.
"Hot? Ano ba naman iyan term mo, Jessie?" Tiningnan ko si Mark na tinutukoy ni Jessie. Nakikipag-usap ito sa iba namin kaklase. Masasabi kong may itsura si Mark pero di ko maintindihan ang termino na ginamit ni Jessie sa kanya.
"Saan ka ba tumira ng buong buhay mo, Sam, sa bundok? Look at him closely. Look at his shoulders, that broad muscular shoulder of a basketball vice captain. See that charming, underwear dropping smile and the impeccable taste of clothing during wash days. Hay...I think I am inlove."
"Ilang taon mo na nga siyang classmate?" Tanong ko kay Jessie.
"Magtatatlong taon na."
"Sa tatlong taon na iyon di ka man lang nagpapansin sa kanya?" Sinimangutan lang ako ni Jessie.
"Buong kababaihan sa classroom na ito ay crush siya. Who wouldn't? Sino ba naman ako compare sa mga pretty girls dito. Ikaw nga huwag mong sabihin hindi mo siya gusto." Umiling ako.
"C'mon, Sam! Huwag ka ngang hypocrite." Kinuha ko na ang Ipad ko at binuksan doon ang textbook sa klase namin na economics.
"Hindi ako hypocrite, Jessie. Hindi ko siya crush or gusto. Nandito ako sa school na ito para matuto at makapagtapos. Anything than that labas na ako." Binuksan ko ang chapter sa demand at supply dahil iyon ang lesson namin ngayon.
"Sinasabi mo lang iyan dahil may boyfriend ka na. Aminin mo na kasi. Ano mas hot ba un boyfriend mo kesa kay Mark?" Napatingin naman ako ng matagal kay Jessie. Sabihin ko na lang kaya na may boyfriend na ako? At kung gusto niyang makita ang picture pakita ko si Matt. Walang masama...asawa ko na nga siya. Atsaka gwapo si Matt hindi na magtatanong ng marami si Jessie pag nagkataon. Pero hay...
"Wala akong boyfriend. Focused lang ako sa pag-aaral ko. Gusto ko ng matapos ng pag-aaral, gusto ko ng umalis at lumayo." Dapat ngayon palang pala ay pinagpaplanuhan ko na ang pag-alis ko sa poder ni Matt.
"Aalis? Lalayo? Mangingibang bansa ka ba?" Napalunok ako sa sinabi ni Jessie. Tsk! Muntikan na ako doon.
"Oo...ganun na nga." Pagtatakip ko nalang.
...
"So paano? Kita tayo sa library bukas para sa pagprepare ng questionnaire para survey?" Tumingin ako kay Jessie na titig na titig kay Mark kasama pa ang dalawang babaeng kagrupo namin na smitten rin dito. Sa di inaasahang pagkakataon ay naging kagrupo namin si Mark dahil wala na kaming mapuntahan na grupo ni Jessie. Nag-offer kasi ito na makianib kami sa kanila, binubuo sila ng tatlong lalake at dalawang babae at sila na lang ang kulang sa groupings. Nanguna na si Mark bilang lider namin. Wala ng botohan kung sino ang lider nagprisinta na agad ito."So kita tayo ng eight-thirty? Okey ba ang lahat doon?" Nagsalita ng 'yes' ang lahat bukod sa akin. Tumango lang ako.
"Sam? Okey ka ba sa oras?" Nagulat naman ako. Napansin niya siguro na hindi ako naki-yes gaya ng ibang kagrupo niya.
"Yes." Sagot ko at ngumiti naman sa akin si Mark.
"Guys, kain tayong merienda? Last subject na naman natin ito.Para makapagbrainstorming din tayo ngayon palang." Eager na tanong pa ni Mark.
Lahat sila ay nagsang-ayunan.
"Kayo na lang. Sorry ha pero kailangan ko ng umuwi. Kita-kita na lang tayo bukas." Tiningnan naman ako ng masama ni Jessie.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...