II Part - Chapter 4 - Trust and Secrets

2.5K 112 13
                                    

Isang buwan ang nakakalipas mula ng itanim namin ang mga mais. Tumaas na ito ng katamtamang taas ngunit kasabay ng pagtaas nito ay ang pagtubo rin ng mga damo at weeds. Ngayon ang pagspray ng glyphosate para pamatay ng weeds. Pinahaluan ko rin ito ng 2, 4-D dahil naging persistent ang mga damo at weeds sa pagtubo. Nakakita ako ng mote-mote at kailangan mamatay ito kundi ay sasakalin nito ang mga mais ko.

"Are you sure about the measurements?" Tingin ko kay Boaz.

"140 ml of herbicide per 16 liters of water. At tama lang iyon sa isang knapsack sprayer." Tugon ko rito habang sinisipat sina Abel at ilang kasama namin sa bukid na nagspray ng herbicide. "Ako mismo ang nagdilute at gumamit ako ng measuring cup." Narinig kong tumawa si Boaz.

"At bakit ka nagcombination?"

"Persistent ang mote-mote. Ayoko naman masakal nila ang mga baby corn ko." Lalo itong lumakas tumawa. Pinahiran ko ang noo ko dahil sa pawis. Mainit ngayon araw na ito.

"Baby mo talaga?" Nilingon ko siya at ngumiti.

"Mga babies ko. Mahal ko ang mga mais ko na parang tunay kong anak kaya alagang-alaga sila sa akin."

"I can see that." Tumango ako. "You are doing a pretty good job, Mommy." Natigilan naman ako sa sinambit ni Boaz. Para naman akong nanlambot. Mommy. Oh how I longed to hear Sammy to call me that name again! Lahat-lahat ng binuhos ko na pag-aalaga na dapat ay kay Sammy ay napunta na lang sa mga mais kong alaga. "Mommy?" Napatungo ako muling pagtawag ni Boaz. Nangilid ang luha ko sa pagkaalala ko kay Sammy.

"Bo-boaz, ba-balik lang ako saglit sa bahay." Excuse ko sa kanya.

"Sam?" Nagulat na lang ako ng hinawakan niya ang braso ko. "May problema?" Hindi ako tumingin rito. Kaagad kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Sam..."

Nagmadali akong naglakad palayo sa taniman at hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Sammy, miss na miss ka na ni Mommy.

...
Ang laki ng ngiti ko dahil pinagmaneho ako ni Boaz ng sasakyang na pang-hill ng mga mais. Ilang araw na rin naman akong tinuturuan ni Abel at madali ko naman minaneobra ang sasakyan.

"Ang galing mo naman baby girl!" Sigaw pa ni Abel mula sa kinaroroonan nila ni Boaz. Baby girl talaga ang kalimitan biro niya sa akin. Hindi na rin ako umalma dahil na rin naman sa lahat ng tao ay may palayaw si Abel.

Matapos kong gawin ang tinatawag nilang 'hilling' ay nagmanual naman si Boaz at Abel na may dalang pala na dinadagdagan ang lupa sa bawat tumutubong mais. Para nakaumbok ang lupa sa bawat halaman.

Bago namin gawin iyon ay tumulong ako sa paglagay ng fertilizer. Base sa mga nakausap kong kapwa magsasaka rin ay kailangan ng mais ang 'Nitrogen' kaya pinefertilize namin ito para na rin sa mas magandang yield.

"Pagod na?" Tanong sa akin ni Boaz. Tapos na kami sa gawain namin at pabalik na kami sa bahay. Maggagabi na rin.

"Oo, pero masaya. Akalain mong nakapagdrive ako. Ayaw nga akong matutong magdrive ni Ma..." Natigilan naman ako dahil muntikan ko ng masambit ang pangalan ni Matt.

"Nang Mama mo?" Nakatingin sa akin si Boaz at seryoso ito. Tumango na lang ako pero hindi iyon ang totoo. "Namimiss mo na ba ang Mama at Papa mo?" Tumitig ako kay Boaz ng matagal bago sumagot. Gusto kong sabihin hindi lang ang mga magulang ko ang namimiss ko. Mas nangungulila ako sa anak ko pati na rin kay Matt. "Wala ka bang balak na umuwi?" Umiling ako.

"Hindi pa ngayon." Tinitigan na naman nito ako ng matagal.

"Sam, kung anuman ang di niyo pagkakaunawaan ng mga magulang mo kaya ka lumayo sa kanila--"

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon