II Part - Chapter 11 - Love & Forgiveness (Part 2)

4.2K 181 57
                                    

"Tama na." Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Ayoko pang bumitaw sa kanya pero si Matt na rin ang kumalas sa akin. At naiintindihan ko iyon. Hindi tama na ganito kami sa isa't isa. Engaged na siya. "Baby..." Pinahiran naman ng kamay niya ang mukha ko ng puno ng luha. Tumango na lang ako at unti-unti akong lumayo sa kanya at umayos ng upo.

"Sa-salamat..." Tumango-tango ito at ngumiti sa akin. "Ganoon kadali napatawad mo na ako...samantalang ako sa'yo noon--" Pinigil niya ang pagsasalita ko ng paglapat ng hintuturo niya sa labi ko.

"Alam ko kasi ang pakiramdam ng hindi napapatawad. I made grave offenses to you before but you forgave me...but no, I am not returning the favor. I just know that once you were forgiven plenty it is also very easy to give your forgiveness to others because you already know what they've been through."

"Thank you." Mahina kong sagot.

"And...and it is very easy to forgive you Sam. I just cannot make myself angry to you for so long."

Tumango ako at ngumiti. Matt is such a wonderful man. Alam ko naman iyon dati pa pero nagpabulag ako sa sitwasyon. At ngayon...nakakakungkot na hindi na siya sa akin.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin at ganoon lang kami ng matagal. Inayos ko na ang sarili ko at aaktong tatayo ng hinawakan niya ang braso ko. Napaupo ulit ako.

"Matt?"

Hindi siya nagsalita at hinawakan niya ang mukha ko. Hindi na ako nakapagreact ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko at ng nilapat niya ang labi niya sa labi ko. One, tender kiss. Matapos ay nilayo niya ng konti ang mukha niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Sam..." Nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin at nilapat niyang muli ang kanyang labi pero hindi na siya tumigil ngayon. Tuloy-tuloy ito hanggang sa bumilis. At hinayaan ko lang siya at sinagot ko ang bawat halik niya sa akin. Alam kong kailangan kong tumigil dahil mali pero hindi ko magawa iyon.

Tinayo niya na ako at inalalayan niya ako patungo sa sofa. Hiniga niya ako roon habang hindi pinuputol ang pagsasagutan ng mga labi namin.

Matapos ay bumagal ang paghalik niya sa akin hanggang sa tumigil ito. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakapikit at hinaplos ang mukha ko. Ilang sandali pa itong hinaplos at kinapa ang mukha ko bago dumilat. Ngumiti ito.

"You're not a dream." Nakatitig lang ako sa kanya sa sinabi niya. "All this time when I see you like this it's a dream."

Inabot ko ang mukha niya at hinaplos ko iyon ng marahan. Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Mahal pa rin kita, Matt." Nakatingin lang ito sa mga mata ko na para bang inaalam kung totoo ang sinabi ko. "Wala naman nagbago doon...mahal pa rin kita." Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung mali bang sabihin na mahal ko pa rin siya dahil iyon ang totoo. "At alam kong mahal mo si Rea--" Binigla niya ulit ako ng halik. Iba ang pakiramdam ng halik niya na ito. Marahan, masugid at nagpakalat ng init sa katawan ko. It was overwhelming.

At hinayaan ko lang siya na kontrolin ako sa pagkakataon na iyon. Walang nagsasalita sa amin kundi ang mga katawan lang namin na nangungusap sa isa't isa at oo, binuhos ko sa muling pag-iisa namin ang buong pagmamahal ko.

Matapos ay magkayakap lang kami habang nagsisiksikan kami sa sofa. I felt him kissed me on my forehead and I didn't bother to open my eyes because of the sweet exhaustion.

"I still love you, Sam, so much." Napangiti ako sa binulong niya sa tenga ko. Niyakap niya akong mas mahigpit. Nagsumiksik lang ako sa dibdib niya at natulog ng ganoon.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon