II Part - Chapter 6 - Two Years

3.1K 118 56
                                    

"Nasa ibang bansa?" Nanlumo ako sa nalaman ko. Nakatingin lang sa akin si Mama at Papa na tila awang-awa sa sinapit ko. Bumalik ulit ako sa Manila at tumuloy sa bahay ni Matt. Handa na ako sa maari kong kaharapin sa pagkikita namin pero noon pagbukas palang sa akin sa gate ay sinabi na hindi na raw nakatira sila Matt doon at binalita na nagmigrate na raw sa ibang bansa.

"Silang lahat?" Hinawakan ni Mama ang kamay ko at tumango.

"Saan ka ba kasi nagpunta, Sam? Hinanap ka ni Matt, Sam. Alam mo ba iyon?" Umiling ako.

"Kasama niya si Sammy..." Hinang-hina kong tugon.

"Oo, Sam."

"Ano bang nangyari? Akala ko ay maayos na kayo? Bakit ka umalis? Bakit hindi mo man lang kami kinausap ng Papa mo?"

"Kailan sila babalik, Ma?" Naramdaman ko ang pagpisil ni Mama sa kamay ko.

"Hindi na sila babalik. Kung magbabalikbayan sila hindi ko rin alam kung kailan. Umalis sila isang buwan na rin ang nakakaraan. Hindi naman ako makahindi, anak, dahil may karapatan si Matt kung saan man niya dalhin ang anak mo dahil ama siya ni Sammy." Nag-unahan na ang mga luha ko sa mata ko. Hindi ko ito inaasahan dahil siguro may kaunting hope ako na maaring maghintay si Matt pero hindi...hindi dapat ako napalagay doon. "Walang ibinigay na numero si Matt sa akin pero kung gusto mo kokontakin ko si Tita Naomi mo. Sila Tita Naomi at Tito Peter mo ay babalik dito sa susunod na buwan maliban lang kay Matt at Sammy, kung gusto mo tanungin ko?" Tumingin lang ako ng matagal kay Mama. "I'm sorry, Sam. Gustuhin ko man silang pigilan-"

"Hi-hindi na po Ma. Leksyon po ito sa akin. Karapatan ni Matt na magsimula ng bago...at ayoko na pong maging hadlang."

"Sam, anak mo pa rin si Sammy. May karapatan ka sa kanya."

"Alam ko po Ma pero nawala na ang karapatan ko na iyon ng iwan ko sila."

Matapos ng isang araw na pamamalagi ko sa bahay ng magulang ko ay umalis na lang ulit ako. Pinipigilan nila akong umalis pero hindi na ako nagpapigil. Kaagad akong kumuha ng byahe pabalik ng Palawan. Paano pa ba ako mamalagi sa Manila kung wala na rin naman ang pamilyang iniwan ko?

"Sam?" Mukha agad ni Boaz ang nakita ko mula sa airport at niyakap ko siya ng mahigpit. "Tell me." Tumango ako rito at kaagad na kaming sumakay sa pickup truck niya.

"Bakit ka bumalik?" Malayo na ang itinatakbo ni Boaz ng magtanong ito. Nanatili lamang akong nakadungaw sa labas mg bukas na bintana ng kotse.

"Wa-wala na sila Boaz...wala na. At hindi ko sila masisi." My heart breaks again ang again from the thought that they left. Pero alam ko naman na ako ang may gawa nito. Ako ang naunang nang-iwan. Makikita ko pa ba ang mag-ama ko pagdating ng panahon?

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hi Bo!" Sumulyap ako mula sa likod ng shop at nakita ko si Boaz. Sinusundo na ako nito. Linggo ngayon at ito na ang huling linggo ko sa probinsiya na ito. "Sasama ako, Bo, para naman sa huling pagkakataon makasama kita." Ngumiti ako dahil sa pagbibiro ni Jenny kay Boaz. Gustung-gusto kasi ni Jenny si Boaz pero ewan ko naman ba kay Boaz at hindi magawang magustuhan ang kaibigan ko at kapartner ko sa flower shop at flower farm ko dito sa Palawan. Magkasosyo kami sa lahat ng bagay. Dalawang taon na rin ang pagsasama namin sa flower farm at dito sa shop at masasabi kong naging maganda ang samahan namin. Bukod kay Boaz ay si Jenny sa pinakamatalik kong kaibigan.

Hindi na muli akong bumalik ng Maynila matapos kong malaman na nagmigrate na sila Matt. Hindi ko na rin inalam kung anong numero ang pwede kong tawagan para makausap sila. Ako ang naunang nang-iwan sa kanila para makapag-isip at magsimula ulit kaya binigyan ko rin sila ng kalayaan na magsimula ulit kagaya ko. Nangungulila pa rin ako sa mag-ama ko pero pinapasa Diyoa ko na ang lahat. Gusto ko pa rin silang makita at alam kong magkikita pa rin kami in God's perfect time.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon