"Matt..." Simula ng umamin siya sa akin ay palagi na nito akong sinusundo sa ojt ko. Malayo ang Manila sa Tagaytay at araw-araw niya itong ginagawa at siyempre kailangan kong maghintay ng karagdagang oras dahil galing itong malayo. "Sabi ko sa'yo huwag mo na akong sunduin." Pumasok na ako sa loob ng kotse at parang wala itong narinig.
"Isang linggo ka na lang naman dito. Hayaan mo na ako." Kinuha naman nito ang kamay ko at hinalikan iyon. "How's your day, beautiful?"
"Busy." Sagot ko at nilapat ko ang likod ko sa sasakyan. "I miss kulit." Buntong hininga ko. "Hindi kami nakapagvideo chat kanina."
"Sabi nga niya sa akin kanina bago umalis, 'Daddy, yab yu.'" Napangiti naman ako. "Lumalaki na si Sammy..."
"Oo nga. Pasalamat na lang ako na bata pa ako para humabol sa kanya. Si Daddy madaling mapagod na eh." Tumawa naman si Matt sa sinabi ko.
"Sige atakehin mo ako sa edad ko." Tatawa-tawa pa ito.
"Joke lang naman. Salamat sa effort sa paghabol. Palagay ko mas kakailanganin ko ang tulong mo kasi mag-uuwi ako ng trabaho. Sabi ni Tita Gabby eto na raw ang final exam ko. Ang magbudget sa buong taon ng estimated expenses. Kaya baka next week...ikaw muna kay Sammy." Alam kong matagal nang naipasa ni Tita Gabby ang evaluation niya sa akin sa school at wala ng bearing ang ginagawa ko. Sa totoo lang ay dapat tapos na ang ojt ko pero nagprisinta akong tulungan si Tita Gabby lalo na ngayon na peak season. At isa pa marami akong natutunan.
"Sure!" Kumindat pa ito sa akin. So meaning next week wala ng time sa date?" Tumingin ako sa kanya. Twice a week ang date namin ni Matt at kung saan-saan restaurant na niya akong dinala.
"Hindi ko alam."
"Ngayon na lang kung ganoon. Good thing may kanina pa ako naisip na kainan. Okey lang ba, Sam? O miss mo na sobra si kulit?" Tumingin ako kay Matt.
"Miss ko na si Sammy." Salita ko kay Matt. Gustung-gusto ko ng mayakap at mahagkan si Sammy. Nakakawala kasi talaga ng pagod lalo na kapag tinatawag ako nitong Mommy at kapag nagkukwento ito na akala mo ay napakabihasa na niyang magsalita.
"May naisip ako." Kumindat si Matt sa akin at hinayaan ko na lang ito. Natulog na lang ako sa byahe.
...
"Mommy, car-car-ma-ma" Ang higpit ng yakap ni Sammy sa akin pagkakitang-pagkakita nito sa akin. Halos magkandarapa na ito kakatakbo ng mabilis patungo sa akin at talagang niyakap nito ang binti ko at ayaw akong pakawalan."Kakauwi lang ni Mommy at Daddy hindi kami aalis." Tumingin si Sammy sa Daddy niya at tumawa ito. Nilalaro na naman ito ni Matt. "Sama kay Daddy." Ibibigay ko sana ito kay Matt pero kumapit mabuti sa leeg ko.
"Mommy, chimpanzee mo kasi yan." Nauna na si Matt sa akin at ngumiti. "Meet you up in the veranda at 8, okay?" Tumingin lang ako rito. "Beautiful Mommy, kita tayo ng eight?"
"Anong gagawin natin doon?"
"Basta. Do what you want to do with Sammy pero pagdating ng eight akin ka." Inirapan ko ito sa sinabi niya. "Sa veranda." Tumango na lang ako. "Kain ka lang ng light snack." Hindi na lang ako nag-isip sa kung anong mangyayari. Nagbihis na lang ako ng pambahay at pinakain at nakipaglaro kay Sammy.
Halik nang halik sa akin si Sammy sa labi at talagang pinupog ako ng halik. Ang sweet niyang bata. Matapos namin maglaro ay napagod na ito at napatulog ko ng mabilis. Sabi kasi ni Simone ay hindi raw ito natulog ng tanghali dahil laro ng laro. Takbo raw ng takbo. Napakaactive ni Sammy ngayon.
"Sam, pinapatawag ka ni Sir Matt." Tumingin naman ako kay Simone. Naalala ko naman ang oras na sinabi niya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong eight fifteen na.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritüelForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...