"Matt, hindi pwede." Tumalikod ako sa kanya sa kama pero hinapit nito ako sa bewang at inihiga ng tihaya sa kama. Ang kalahating katawan niya ay nasa ibabaw ko na at hinalikan niya ako sa labi. "Matt, ayoko." Iwas ko sa kanya.
"Baby? Wala ka ba sa mood? I can make you in the mood." Pumaimbabaw na ito sa akin. Iginilid ko ang mukha ko para hindi niya mahalikan ang labi ko pero hinalikan naman niya ang leeg ko.
"Matt, please..." Itinutulak ko siya palayo sa akin pero hindi naman ito natinag. Ngumiti pa ito na pilyo.
"Sige na, baby, I missed you so much. Hindi na ako makapaghintay sa honeymoon ulit natin. Pwede naman advance honeymoon na lang." Matapos kasi ng birthday ni Sammy ay napagkasunduan namin na wala munang contact dahil hindi namin gusto na malaki ang tiyan ko kapag kinasal kami. Pero bukod doon ayoko. Maraming gumugulo sa isip ko at isa na si Matt doon. Ayoko munang maging intimate sa kanya. "Please, baby."
Napabuntong hininga ako. Labag man sa kalooban ko pero hinayaan ko na lang si Matt na gawin ang gusto niya. Ayoko ng magresist. Mas lalo kong maiisip ang nangyari noon kapag ginawa ko iyon.
"Baby? Anong problema?" Matapos niyang magawa ang gusto niya ay ngayon niya lang napuna na may mali sa akin. Tumalikod na lang ako sa kanya at nagkumot dahil wala akong damit. "Sam?" Niyakap ako nito at bumulong pa sa tenga ko. "Sam, may nangyari ba ngayon? Tell me." Hinalikan pa nito ang tenga ko maging ang leeg ko.
"Sinabi ko sa'yo na ayoko pero pinilit mo pa rin ang gusto mo." Wala kong ganang sagot.
"I...I thought you were just saving it for our honeymoon. Hindi ko alam na talagang hindi mo gusto."
"Ganyan rin ba ang naisip mo noon nirape mo ako?"
"Sam?" Naramdaman kong lumundo ang kama at nilingon ko siya na naupo sa tabi ko. "What are you thinking?" Hinihila niya akong umupo pero pinigilan ko siya.
"Pagod na ako, Matt." Tinalikuran ko na lang ulit siya at nagtalukbong ng kumot.
...
May nakita akong 'sorry' na post it na pinuno ang bathroom mirror namin pagkagising ko kaninang umaga. Napangiti ako sa gesture ni Matt. He is truly sweet. Plano kong kausapin siya ngayon gabi tungkol sa sinabi ni Ivy. Ayokong magjump sa conclusion agad. My mind was a mess yesterday from that conversation. Hindi sa di ako naniniwala kay Ivy. I give her the benefit of the doubt."Mommy, sad." Hinawakan ni Sammy ang mukha ko. Nasa veranda kami sa taas at tinuturuan ko kasi siya ng iba't ibang emosyon at kung paano sabihin iyon. Tatlo pa lang ang naituro ko. Happy, sad at love at mukhang kabisado na ni Sammy ang tinuro ko.
"Hindi naman, sad si Mommy, baby." Ngumiti ako. "Happy." Tumawa si Sammy at hinalikan ako sa buong mukha ko. "Love mo si Mommy, baby?"
"Love, Mommy." Hinalikan ko rin si Sammy. Natigilan naman ako ng maalala ko ang nangyari kay Ivy. When she had her miscarriage and her baby aborted. Nayakap ko ng mahigpit si Sammy.
"Mommy loves you so much, Sammy. Mommy loves you so much."
"Mommy love smush." Napangiti ako sa sinabi ni Sammy. "Mommy, Daddy!" Narinig kong sigaw ni Sammy. Lumingon ako at nakita ko si Matt na nasa may pintuan at nakatingin sa amin. Bumaba sa akin si Sammy at kaagad tumakbo sa Daddy niya. "Daddy! Daddy!" Kinarga ito ni Matt at hinagis-hagis pa. Tuwang-tuwa naman si Sammy. "Happy!" Sigaw ni Sammy.
"You learned a new word today, Sammy?"
"Happy!" Ulit pa ni Sammy at tawa.
"Sammy is happy?" Ngumiti ito at nagpababa. Pumunta sa akin si Sammy at umupo sa kandungan ko ulit. "Mommy sad." Tumingin ako kay Sammy sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...