II Part - Chapter 5 - Hope, Love and Forgiveness

2.7K 137 33
                                    

Nakatingin lang ako sa mga nasalanta ng bagyo. Nakita ko ang mga branches ng mga puno sa lupa at maraming mga dahon ang nakakalat. Humawak lang ako mabuti sa braso ni Boaz habang naglakakad. Malambot pa kasi ang lupa at nanghihina pa rin ako. Ayaw pa nga akong palabasin ni Boaz pero dahil matigas ang ulo ko kaya napapayag ko siya. Gusto kong makita ang mga mais ko.

Malayo palang ay tanaw ko na ang mga mais. Marami ang nakahilig na dahil sa malakas ang hangin. At ng malapit na kami ay nakita ko naman ang mga nabaling mga tangkay.

"Oh...oh...Sam, marami pa rin nakatayo. At sinasabi ko sa'yo iyon mga nakahilig ay tatayo rin. Give it some time." Tinapik nito ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Wala na akong luha, Boaz. Naiiyak ko na siya sa'yo kahapon. Thank you." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin ito sa akin. "But more than that, Boaz, I am beginning to trust in Him at gusto ko ng magsimula ngayon."

"Sam, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa desisyon mo."

"I am at peace too with my decision. Thank you, Boaz."

Sinabi ko na ang lahat-lahat kay Boaz. Hindi ko alam bakit pero noon mga oras na iyon ay para bang may nagprompt sa akin para sabihin lahat sa kanya. Ang pagkarape ko, ang pagkakaroon ko ng anak at pagpapakasal ko kay Matt at ang mga nalaman ko sa nakaraan ng pamilya ni Matt at sa kanya na rin. Sinabi ko rin na umalis ako dahil gusto kong mag-isip, gusto kong magdesisyon para sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay pinagkaitan ako ng choice. Na inihain sa akin ang sitwasyon at doon na lang sa sitwasyon ako nagthrive not knowing na meroon akong desisyon, na meroon akong dapat desisyon para sa sarili ko na hindi kinocontrol ng ibang tao.

Boaz didn't say anything but just held me and listen to my story but his presence alone was enough for me, his reassuring presence. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng totoong kaibigan sa kanya, pero alam kong mas higit pa ito roon palagay ko at pakiramdam ko ay para ko siyang kuya. I always longed to have an older brother and Boaz is a perfect older brother for me.

"Let's go back. Malamig pa at hindi ka pa magaling. Kapag dumating na sina Mama Niel tayo naman ang aalis para pumunta sa doktor."

"Opo, kuya." Hindi na ako umalma. Ngumiti ito ng malaki sa akin.

"Ang bait!" Biro pa nito at inirapan ko lang siya. Tumawa naman ito ng malakas.

...
"Ilang taon na nga ulit si Sammy?" Pababa na ako ng taas ng bahay dahil tatakbo ulit ako. Isang buwan matapos ang bagyo ang nakakalipas. Maraming nasalantang bukirin sa lugar at hindi lang sa amin pero ang nakakatuwa roon ay nagtulung-tulungan ang mga magsasaka na malapit sa amin sa pag-ayos ulit ng bukirin. Matapos kasi naman maayos ang nasalanta sa amin bukid na hindi naman ganoon karami ay tumulong kami sa ibang bukirin na malaki ang napinsala. Malaking pasalamat talaga namin sa Diyos na hindi ganoon kalaki ang pinsala sa amin. Kalimitan ay mga branches lang ng puno ang nasira. Ang mga letsugas ni Boaz ay maayos at may dalawa lamang na natangay samantalang ang maisan ko naman kahit na marami ang naputol pero kalimitan sa mga naputol ay iyon ay mga damaged na ng peste. Blessing in disguise na rin ang pagkaputol dahil napadali ang trabaho namin.

"Two years old po, Ma." Monthsary ngayon ng kaarawan ni Boaz. Alam na rin nila Mama Niel at Papa Zeke ang kwento ng buhay ko. Matapos kong ipour out ang puso ko sa kanila ay pinagdasal nila ako at lalong gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit pero napakaliberating sa pakiramdam na tanggap ka ng mga tao sa paligid mo kung ano ka. Walang sikreto at walang pagkukunwari. Pero paalala pa sa akin ni Mama Niel na may isa pa na lubos na tanggap ako at mahal na mahal ako at iyon ang Diyos.

Pinili kong magtiwala at dahil doon ay nagkaroon ako ng sense of peace hindi lang sa utak ko kundi sa puso ko. I accepted him truly in my life and the family that I am with right now prayed for me during that acceptance. There was a sense of relief in that moment because in that moment I started to submit my life completely under his control.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon