Nagulat naman ako at nakita ko si Matt sa may gate ng farm. Hindi ko inaasahan na ngayon na siya pupunta. Hindi kasi nito sinasagot ang tawag ko at ang text ko. Sinabi ko sa message ko sa kanya na napirmahan ko na ang annulment papers at magkita na lang kami sa kung saan convenient sa kanya. Pero wala naman akong nakuhang sagot.
"Tu-tuloy ka." Tumango lang ito. Bumalik ito sa kotse niya at pinagbuksan ko siya ng gate. Tumuloy ito at nagparada samantalang nagmadali akong pumunta sa opisina ko para kunin ang mga papel at ang tseke.
Pagkakuha ko ay mabilis akong lumabas ng bahay at nakita ko na palabas na si Matt ng kotse. Lumapit na ako sa kinaroroonan niya. Ayokong magtagal rito si Matt dahil ayoko na ng komprontasyon. Mas mabuti na rin na sa korte na lang kami magkita muli atleast doon ay civil kaming makakapag-usap. Ayoko na rin mag-isa kasama niya at wala akong kasama ngayon sa farm dahil Linggo at nasa Manila si Boaz dahil nasa ospital si Daddy Sac.
"Heto na ang lahat." Abot ko kay Matt ng envelope kung saan nandoon ang mga papel na pinirmahan ko. "Pinirmahan ko na ang lahat...at...at tungkol sa custody ng bata...payag na ako kahit visitation lang." Tiningnan nito ang loob ng envelope pero hindi naman niya ganoon binuklat. Pahapyaw lang niya itong tiningnan. "At eto iyon cheque." Abot ko at kinuha naman niya pero tinaasan ako ng kilay.
"Iyan 'yon binigay mo sa aking pera bago ako umalis. Binabalik ko na sa'yo. Maraming salamat."
"Hi--" Pareho naman kaming natigilan ng biglang kumulog at kumidlat. Tiningnan ko ang langit at mababa na ang mga ulap. Malamig na rin. Kanina kasi ay nanunuod ako ng balita at may parating daw na bagyo bukas. Hindi naman exactly tatamaan ang lugar namin pero may mga storm surge at iyon ang kinababahala ko.
"Sige Matt baka abutan ka pa ng malakas na ulan. Mauna na rin ako sa'yo. May gagaw--bye." Nagsimula ng bumuhos ang ulan at tumakbo na ako papunta sa may barn at kinuha ang mga plastic mulch na kailangan kong ipangtakip ng mga punla ko. Mabilis akong tumakbo papuntang taniman ng mga bagong kong experimental na punla ng mapansin ko naman na hindi pa umaalis ang kotse ni Matt. Hindi ko na lang ito inintindi at nagpunta sa kailangan kong puntahan. Mamaya ko pa sana lalagyan ng proteksyon ito dahil bukas ang expected sana na ulan pero mali ako. Papagalitan na naman ako ni Boaz kung nandito iyon.
"Anong dapat na gawin?" Nagulat naman ako at nakita ko si Matt na sumugod sa ulan at nagpunta sa kinaroroonan ko.
"Matt..." Kailangan ko ng tulong at hindi ko maidedeny na makakatulong si Matt.
"Ito ang plastic. Tulungan mo akong takpan ang mga punla ko." Turo ko pa sa mga punla ko na na may sampung halera.
"Paano?"
"Ganito." Pinakita ko sa kanya na itali sa may mga tulos na nakabaon ang plastic. May pisi na naman na nakadikit doon at ang kailangan na lang ay takpan ang buong kama at isecure na hindi matatanggal ang takip sa pagkakatali.
"Got it." Tumango ito at nagpunta sa kabilang dulo. Lalo naman lumakas ang ulan at basang-basa na kami pareho. Lumalamig na rin ng sobra.
Halos inabot rin kami ng isang oras dahil na rin sa lakas ng hangin at ulan. Nakuha naman ni Matt ang gusto kong mangyari at ng matapos kami ay kaagad ko siyang pinatuloy sa bahay.
"Ahm...ano...kailangan mong maligo kundi lalamigin ka." Tiningnan naman ako nito habang pinipiga ang damit niya. "Papahiramin kita ng damit kung gusto mo." Tumango lang siya. "Akyat tayo sa taas. Nandoon iyon bathroom."
Sumunod na ito sa akin. Sa labas kasi ang access ng bahay sa itaas kaya lumabas pa kami ng opisina.
"Tuloy ka." Binuksan ko ang pinto at pinatuloy siya sa maliit na tahanan ko. Tumingin lang ito sa paligid. "Doon ang bathroom" Turo ko sa kanya. "May mga shampoo at sabon na doon. Aabutan na lang kita ng twalya at damit."
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...