II Part - Chapter 14 - Teo's love

4.6K 176 30
                                    

"And shoot!" Talon pa ni Sammy at pagshoot niya sa bola sa maliit na ring. Nasa bakuran kami at talagang nagpagawa pa si Matt ng half court. Talagang seryoso siyang gawin basketball player ang anak niya. "Magaling baby. Now throw to Mommy the ball." Ngumiti sa akin si Sammy at pinasa ang bola saka shoot ko sa malaking ring at shoot nga ito.

"Ang galing mo Mommy." Napangiti ako. Ito na siguro ang isa sa mga bonding namin ni Sammy. Ang hilig niyang magbasketball at sinasabayan ko ito.

"I didn't know you know how to play." Napatingin naman ako sa may likuran at nakita ko si Matt na kakauwi lang galing office. Sabado ngayon at wala siya talagang pasok pero pumasok siya dahil may kailangan siyang gawin.

"Yup. Marunong po, Daddy. Varsity ako noon highschool." Tumango si Matt sa pagkagulat.

"If that's the case subukan natin." Nagbukas pa si Matt ng butones ng polo shirt niya at lumapit sa amin.

"Are you going to play with Mommy, Daddy?"

"Yes baby. Sinong gusto mong manalo?"

"Daddy!" Exclaimed pa ni Sammy. "I hope Tita Rea can watch this. She will cheer you."

"Teo, we talked about Tita Rea, right?" Salita pa ni Matt. "Hindi na siya pupunta sa bahay at sasama sa activities natin."

"But why? Pwede po naman natin siya kasama."

"Teo, hindi na. Nandito na kasi si Mommy. Si Mommy na ang makikipaglaro sa'yo."

"Matt..." Hawak ko ng braso niya at tumingin ito sa akin.

"Why does it have to change when Mommy came? Dapat ganun pa rin! I like Tita Rea more than Mommy."

"Teo." Seryoso si Matt. "You don't speak about your Mommy that way." Sinamaan naman siya ng tingin ni Sammy.

"I miss Tita Rea and I like her more than Mommy!"

"Teo!" Aaktong lalapit si Matt kay Sammy pero pinigilan ko. Tumakbo na papunta loob ng bahay si Sammy. "Hay...I am really sorry Sam about this. I thought he is already warming up to you."

"Naiintindihan ko naman si Sammy. Oo naman he is warming up. Less na nga ang pagbanggit niya sa pangalan ni Rea ngayon at isa pa hindi na niya ako masyadong kinukumpara. Unti-unti na rin naman." Hinapit naman ako ni Matt sa bewang.

"You are wonderful, Sam. I really admire your determination kahit noon simula pa lang at ang patience mo kahit noon baby pa lang si Teo at sa'yo lang siya sumasama. Alam kong makukuha mo rin ang loob niya."

"Aw...thanks, Daddy." Ngiti ko. "Puntahan natin si Sammy I mean Teo."

"Mommy, Teo na po. Wala na si Sammy." Napatitig naman ako kay Matt sa sinabi niya. "I don't mean to offend you, Sam, pero iba na si Teo ngayon kay Sammy at sa pagsanay mo ng pagtawag sa kanya ng Teo maybe it will eventually change things on how you'll see him." Tumitig lang akong mabuti sa kanya. Oo, tinatawag ko siyang Teo pero sa isip ko Sammy pa rin ang tawag ko sa kanya. At palagi kong inaalala kung paano siya noon baby siya na sa tingin ko ay mali.

"Thank you for pointing that out, Daddy."

...
"Then we wait." Tumingin lang sa akin si Teo sa sinabi ko.

"Ilang oras po to catch a fish?"

"Kailangan natin maghintay, baby, hindi po agad-agad." Naupo lang ito sa tabi ko at tiningnan ang dulo ng fishing line. Talagang intent na intent itong makahuli. Sabi nga ni Matt ay hindi pa sila nakakapanghuli ng isda ni Teo at ginawa ko na itong magandang opportunity dahil may malapit na fishing village sa farm ko.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon