"Hi Joelle! Hi Amos!" Bungad ko sa bahay namin. Nanlaki naman ang mga mata ng bunso kong kapatid na si Amos. Walong taon na ito.
"Ate!" Tumakbo patungo sa akin si Joelle. Siyam na taon gulang na ito. "Kamusta ka na ate?" Pinigilan kong hindi umiyak habang yakap-yakap ko si Joelle. Lumapit rin si Amos sa akin at niyakap ako.
"Papa..." Ngumiti ako ng nagpakita si Papa mula sa kusina. Sumilip rin mula sa kusina si Mama. Silang dalawa lang ang may alam na pupunta ako sa bahay. Lumapit pa sa akin si Papa at matapos akong yakapin ng dalawang kapatid ko ay tumakbo ako at niyakap si Papa. Hindi ko na mapigilan ang tinatago kong luha ng makita ko si Papa.
"Sam...ano ba iyan isasalubong mo sa akin?" Yumupyop lang ako sa dibdib ni Papa at umiyak doon. Namiss ko si Papa. Ngayon ko na lang siya nakita sa loob ng isa't kalahating taon. "Tahan na iyan. Maupo ka muna at nagluluto kami ng Mama mo."
"Mama..." bumaba mula sa kusina si Mama at ngumiti sa akin.
"Hi, Sam." Tumingin sa akin si Mama na tila proud sa akin. Hindi ko maintindihan ang tingin ni Mama. Matapos kong yakapin si Papa ay pumunta ako kay Mama at niyakap ito. Sa kanilang lahat tanging si Mama ang malimit kong makita. Bumisita pa siya sa akin noon bagong panganak ako at binigyan niya ako ng payo sa pag-aalaga kay Sammy. "Kamusta na siya?" Ngumiti ako.
"He is growing so fast Mama." Ngumiti ito sa akin at niyakap akong mahigpit.
Dito ako matutulog kina Mama at hindi mapagsidlan ang saya ko na makakasama ko silang muli. Tinanong ko sina Mama at Papa kung saan nila gustong pumunta pero mas pinili nila na sa bahay na lang daw kami sa unang araw ko at kinabukasan ay sama-sama raw kaming magsimba dahil Linggo.
Maraming niluto si Mama at Papa at lahat iyon ay paborito ko. Naparami ang kain ko dahil na rin sa kwentuhan na pinagbibidahan ng dalawa kong kapatid. Matapos namin kumain ay binigay ko na ang mga regalo ko sa mga kapatid ko at tuwang-tuwa sila. Ipon ko iyon mula sa allowance na binibigay sa akin ni Matt at natutuwa ako na napasaya sila ng maliit na regalo ko para sa kanila. Binilhan ko rin ng blouse si Mama at polo shirt si Papa. Tuwang-tuwa rin silang dalawa.
Mabilis natapos ang isang araw namin at talagang pinilit ko na matulog sa kwarto nila Mama at Papa para makasama sila. Queen size lang kama nila Mama at Papa at siksikan kaming tatlo. Nandoon ako sa gitna at nagpayakap ako sa kanilang dalawa. It will be a while before I visit them again so I am making the most out of it.
"Kamusta na ang apo ko?" Tanong ni Papa sa akin.
"Talon siya ng talon kapag tinatayo ko siya. Sabi ni Matt baka iyon daw ang maging career ni Sammy. Professional Kangaroo." Tumawa si Papa sa sinabi ko.
"Patingin nga kung kanino kamukha?" Kinuha ko ang telepono ko at pinakita kay Papa ang litrato ni Sammy. Ngayon ko lang kinuhanan gamit ang phone ko si Sammy dahil ipapakita ko ito sa mga magulang ko.
"Kamukhang-kamukha ng ina." Salita ni Mama. "Wala atang namana kay Matt."
"Meroon Mama." Salita ni Papa.
"Ano po?" Tanong ko.
"Iyon kasarian."
"Ang corny mo Papa." Salita pa ni Mama pero tumawa rin naman ito.
"Tingnan mo itong Mama mo corny raw ako pero kung makatawa. Ganyan ka inlove ang Mama mo sa akin, anak." Ngumiti ako. Halata ko naman iyon. Inlove sila sa isa't isa at pinamalas nila sa akin iyon noon namamalagi pa ako sa bahay namin. Ni hindi ko nakitang nag-away ang Mama at Papa ko. Siguro ay hindi nila sadyang pinapakita pero kahit ganoon ay lumaki akong nakita ang pagmamahalan ng mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
EspiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...