"Sam, phone." Tumingin ako kay Simone at inabot nito ang home phone. Tiningnan ko si Sammy na tulog sa kama niya. Sinurvey ko muna ang kalagayan nito kahit na alam kong secured naman ang kama niya dahil may harang ito na parang crib lang.
"Hello." Lumabas ako ng kwarto ni Sammy.
"Hi Babe!" Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Kilala ko na kung sino.
"Mark...bakit?"
"Aw...ngayon na lang kita tinawagan mukhang hindi ka pa masaya? Hindi mo ba ako namiss?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Mark...ewan ko sa'yo. Kamusta ka na?" Tanong ko na lang. Magsimula kasi ng mag-ojt kami ay hindi na kami nagkikitang magkakaklase. Si Jessie ay nakakausap ko madalas sa phone pero hindi si Mark. Nagtetext ito pero hindi ko sinasagot. Ang kulit kasi.
"Ilang beses nga ako nangangamusta sa'yo sa text hindi mo man lang ako sinasagot."
"Busy kasi ako." Salita ko.
"Okey...uy nag-aarrange ako ng pre-graduation party para sa block natin. Nasabi na ba ni Jessie?" Walang nabanggit si Jessie tungkol doon.
"Wala. Ano naman iyan party na iyan? Gastos lang iyan." Salita ko. Narinig kong tumawa si Mark.
"Ito naman...ang tagal natin hindi nagkita-kita atsaka huwag ka ng mag-alala sa gastos. This coming Saturday na nga. Lahat ng classmates natin aattend. Ikaw na lang hindi pa nagkoconfirm ng attendance."
"Totoo ba ito, Mark?" Napatingin naman ako kay Matt ng dumaan ito. Tumingin rin ito sa akin at pansin ko na may kakaiba rito. Mukhang malamlam ang mga mata nito. "Saglit lang, Mark." Tinakpan ko ang phone. "Okey ka lang, Matt?"
Tumango ito pero mukha itong zombie na parang wala sa sarili. "Si Mark ba 'yan? Ilang beses na siyang tawag ng tawag nitong nakakaraan linggo. Sabi ko tawagan ka sa handphone dahil wala ka pa sa bahay kapag tinatawagan ka." Irita pa nitong salita pero pansin ko na kakaiba ang boses nito.
"Okey ka lang ba talaga?" Hindi na ito nagsalita at nilagpasan na ako. Mukha kakaiba ito at first time niya akong pagsupladuhan.
"Sam? Si Kuya Matt ba iyon?" Nagtatakang salita pa ni Mark.
"Oo. Mukhang kakaiba nga siya."
"Mukhang galit. Ilang beses na kasi ako tumatawag sa inyo siya ang nakakasagot."
"Hindi 'yon. Wala naman rason para magalit. Atsaka hindi iyon nagagalit sa akin." Sa pagkakaalala ko ay hindi pa nito ako napagalitan kahit kailan.
"Ah talaga? Baby ka niya kasi kaya hindi ka pinapagalitan." Natigilan naman ako sa sinabi ni Mark. Baby? Naalala ko naman si Matt na tinatawag akong ganoon at tinatarayan ko. "Ano punta ka na ha? Sa Sabado. Message ko sa'yo ang address."
"Hindi ko alam...tatanungin ko muna si Kuya. Anong oras ba ang simula?" Naexcite ako kahit papaano sa ideya na makikita ko ulit ang mga kaklase ko. Hindi ko man sila close pero mangilan-ngilan naman ay nakakausap ko at nakasama ko at nakagrupo.
"Seven-thirty."
"Till?" Narinig ko ang pagtawa ni Mark.
"Till morning...first time mo bang magparty?"
"Hindi no!" Pagtatakip ko pa. "Sige-sige tanungin ko na muna si kuya."
"Yes!" Salita nito sa kabilang linya. "Atsaka pwede bang labas naman tayo bukas."
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...