Chapter 18 - Lovesick (Part 2)

3.5K 189 53
                                    

'Sam, can I love you?' Paulit-ulit iyon sa utak ko. Matapos sabihin iyon ni Matt ay inirapan ko lang ito at nagmadaling lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung maiinis ba ako, magagalit, matatakot o magiging masaya sa sinabi niya. 'Can I love you?' Bakit naman gugustuhin ni Matt na mahalin ako? Sa totoo lang ay wala akong pinakitang maganda rito kaya hindi ko alam bakit niya ako gustong mahalin. Dahil ba iyon sa sinasabi niyang nagagandahan siya sa akin kaya gusto niya akong mahalin? Napakababaw niya kung ganoon. Napakababaw. Wala siyang pinag-iba sa ibang lalake na sinusundan ako ng tingin kapag dumaraan ako.

"Ma'am nandito na po tayo." Tumingin ako sa labas at nakita ko ang malaking bahay. Binaba ko pa ang bintana at may naririnig akong malakas na tunog na galing sa loob.

"Sige po. Pasundo na lang po mamaya." Lumabas na ako ng kotse at naglakad patungo ng gate. Kaagad ko tinext si Jessie at pinuntahan ako nito sa gate. Niyakap pa ako nito. Namiss ko naman si Jessie.

Pumasok kami sa loob ng bahay kung saan ginaganap ang party at ang laki nito. Ginanap sa pool area ang party at may magandang ilaw na nakalutang sa pool. Nakita ko ang mga kaklase ko at nagbatian at nagtanguan kami. Palagay ko ang bawat isa sa amin ay nagbago. May isa pa nga akong kaklase na buntis na ngayon.

"Kamusta ka na, Sam? Ang ganda-ganda naman ng suot mo. Bagay na bagay sa'yo. Ang sexy!" Ngumiti ako kay Jessie. Napakavocal kasi sa compliments nito. Sinamahan ako nito kumuha ng ilang makakain sa mesa.

"Ikaw rin naman. Blooming ha!" Ngumiti ito ng malaki.

"May boyfriend na ako na tiga-office!" Excited na salita pa nito at kinikikilig. "He's a bit older but handsome." Muntikan ko ng mabitawan ang plato ko dahil sa pagpalo niya sa braso ko.

"O sige na." Inayos ko na ang sarili ko.

"Ikaw kayo na ba ni Mark?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi." Irap ko rito.

"Wala ka man lang boyfriend hanggang ngayon."

"Bakit ikamamatay ko ba kung wala?" Hinila na ako nito sa may upuan sa may pool. Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang ginagawa. May iba pa nga akong nakita na hindi ko naman kaklase. Maaring boyfriend or girlfriend ng mga kaklase ko.

"Hindi naman pero sinasayang mo lang ang chance. Wala naman masamang magmahal, Sam. Bakit hindi mo subukan?" Tumahimik ako sa sinabi ni Jessie. Bakit hindi ko subukan? Sinong susubukan kong mahalin?

"Sino naman susubukan kong mahalin?"

"Sino pa ba eh di si Matt?"

"Si Matt?" Nakatitig lang ako rito at di ako makapaniwala sa sinabi niya. Paano niya nalaman na hindi ko kapatid talaga si Matt at pwede ko siyang mahalin?

"Anong Matt? Sabi ko si Mark." Umiling ako. Hala! Bakit si Matt ang narinig ko?

"Kamusta na pala si Kuya Matt?"

"Ayun may sakit." Naalala ko naman ito. Ano na kayang ginagawa nito ngayon? Nagpalit na kaya ng damit iyon? Baka pinatay na naman niya ang aircon? Huwag mo naman sabihin nagtatrabaho ito at hindi nagpapahinga?

"Mukhang worried si baby sister."

"Ngayon lang kasi siya nagkasakit. Meaning talagang mahina siya ngayon. Hindi ko nga dapat iniwan eh."

"Wow! Love mo talaga ang kuya mo 'no?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Okey lang iyan. Nandoon naman ang asawa ng kuya mo. May mag-aalaga sa kanya." Asawa ni kuya. Asawa ni Matt. Napatungo naman ako. Ako iyon pero wala ako sa bahay para alagaan siya. Pero hindi naman niya ako totoong asawa. Kinasal lang kami dahil kay Sammy...pero bakit ngayon naman ay nararamdaman ko na may obligasyon ako sa kanya. "O tumahimik ka?"

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon