Chapter 14 - Inlove

3.6K 173 43
                                    

"Happy birthday, my apo!" Iyon agad ang bungad ni Tita Naomi pagdating na pagdating ng bahay. First birthday ni Sammy ngayon at naghanda kami ng kaunti.

Kinarga ko na si Sammy dahil kung hindi ay hindi ito lalapit sa lola niya. Naglalakad na kasi ito. Ganoon kabilis ang paglaki niya.

"Hi Lola, tuloy po kayo." Salita ko at lapit kay Tita Naomi. Kasunod lang ni Tita Naomi si Tito Peter at binigay ni Tita Naomi ang mga dala-dala nita kay Tito Peter at kinuha sa akin si Sammy.

"I missed you so much, baby boy." Halik pa ni Tita Naomi. Nagwawala na ang maliit na bata at hinahabol na naman ako.

"Hindi Sammy, diyan ka muna kay Lola." Sabi ko pa rito at umiingit na ito para magsimulang umiyak. "Alis po muna ako para hindi humabol sa akin." Ngumiti naman si Tita Naomi at Tito Peter. Alam nilang habol sa akin si Sammy.

Nagpunta na akong kusina at tiningnan ko kung nakaayos na ang pagkain. Nagluto lang ang cook ng bahay maging si Ate Aida at Simone. Gusto pa nga ni Matt na magpacater pero pinigilan ko dahil mga lolo at lola niya lang naman ang bisita niya.

"Doon ka na sa labas, Sam, kami ng bahala rito." Sabi pa ni Ate Aida.

"Ate kapag nandoon ako sa akin lang sasama si Sammy. Wala ng chance iyon mga lolo at lola niya na makarga ito." Ngumiti si Ate Aida.

"Iyan anak mo talaga na iyan maka-nanay. Mama's boy iyan paglaki." Tiningnan ko lang si Ate Aida sa sinabi niya. Mama's boy si Sammy paglaki...para naman may kumurot sa puso ko.

"Huwag naman po sana. Sana Daddy's boy rin. Ang hirap ng sa akin lang nasama si Sammy lalo na kapag tinotoyo na. Sobrang nakakapagod ate. Sumasakit na nga ang likod ko sa bigat niya."

"Nasama naman kay Matt kaso kapag naamoy ka na o kaya marinig ang boses mo man lang at lalong lalo na makita ka na wala ka ng kawala sa anak mo. Ramdam na ramdam ka niya eh. Parang iiwan mo kung makadikit sa'yo."

"O...oo nga ate." Tumahimik na lang ako at inayos ang mga plato at platito na gagamitin sa maliit na salu-salo namin. Ayoko na kasing ipagpatuloy pa ang pinag-uusapan namin ni Ate Aida.

"Ang gwapo ng apo ko." Mula sa kusina ay narinig ko ang boses ni Mama. Kaagad akong naglakad sa may living area at nakita ko si Mama at si Papa. Karga-karga nila si Sammy.

"Mama! Papa!" Lumapit ako at niyakap ko agad silang dalawa. "Kanino niyo iniwan iyon dalawa kong kapatid?"

"Nandoon iyon Ate Tessie mo na nag-alaga rin sayo noon bata ka pa kapag papasok kami ng Papa mo." Salita ni Mama habang si Sammy ay nakatingin sa mukha ni Mama.

"Mama tinitingnan ka niya. Akala niya ikaw ay ako." Sabi nila ay kamukha ko raw si Mama. Kaya ganoon na rin siguro makatitig si Sammy sa lola niya na parang ako.

"Ang ganda ni Lola ano?"

"Siyempre, balae tayong lola ay magaganda kaya kanino pa ba magmamana iyan?" Tumayo si Tita Naomi at nakipagbeso-beso kay Mama at Papa.

"Oo naman." Naupo na sa isang tabi si Mama at si Tita Naomi samantalang si Papa ay nagpunta kay Tito Peter na binuksan ang TV. Pinagmasdan ko lang silang mabuti at hindi ko mapigilan hindi ipagkumpara ang pakikitungo nila sa isa't isa noon nangyari ang insidente sa amin ni Matt. Hindi ko lubos maisip na nasa likod na lahat iyon ng mga magulang ko. Ganoon kadali na ang pakikitungo nila rito ay gaya na ng dati noon normal pa ang lahat.

"Sam, patulong naman." Napatingin ako sa bungad ng pintuan at nakita ko si Matt na may dala-dalang lobo at box ng cake. Kinuha ko agad ang lobo.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon