Chapter 10 - Win or Lose

3.3K 173 41
                                    

"Sammy, mag-aaral si Mommy kaya matulog ka na. Please baby." Nag-iiyak si Sammy at hindi ko ito mapatahan. Wala akong pasok ngayon dahil finals na namin at bukas ang exam ko sa tatlong subject at wala pa ako ni isang napag-aaralan dahil ayaw tumahan ng iyak si Sammy.

"May nararamdaman iyan, Sam. Nasaan iyon thermometer?" Binigyan ko ulit siya ng gatas pero mukhang ayaw nito. Palahaw ng palahaw ito. Nagsimula na ito kanina pang madaling araw at wala na akong tulog.

Nilagay ni Simone ang thermometer sa tainga ni Sammy. Thirty seven point eight celsius and lagnat nito. Naalarma naman ako.

"Dalhin na natin siya sa clinic, Simone. Kanina pa siya restless dahil siguro may lagnat. Tawagan mo iyon driver tsaka pakihanda iyon gamit ni Sammy. Ako na magbibihis sa kanya." Tumango naman ito.

Kumuha ako ng damit ni Sammy at dinala ko iyon sa kwarto ko. Nilapag ko ito sa kama at nilapag ko rin si Sammy at mas lalo na itong umiyak.

"Sammy, tama ng iyak. Paos ka na. Pupunta na tayong doktor. Tahan na anak ko. Sige na baby." Napaiyak ako. Kasalanan ko ito kaya nagkasakit si Sammy. Baka naging pabaya na ako dahil sa pag-aaral ko. Baka hindi ko na siya masyadong naalagaan. Bakit hindi ko man lang nalaman at naisip na maaring may nararamdaman siya kaya siya iyak ng iyak. Kasalanan ko ito.

Tumahan naman ito at naghihikbi na lang pero ang sarili ko naman ang hindi ko mapigilan umiyak. Nabihisan ko na siya at kinarga at kahit papaano ay tumahimik na siya.

"Ma-matt..." Sagot ko sa telepono ko na nagring.

"Pupunta raw kayong clinic? Kamusta na si baby?" Hindi ko na mapigilan umiyak ng tuluyan dahil sa sinabi ni Matt. "Sam...hey...hey...why are you crying?"

"Ka-kasalanan ko ito. Hi-hindi ko man lang naisip na tingnan i-yon temperature niya. Ta-tapos ngayon may lagnat na siya, ma-may sakit na siya. A-akala ko kasi nagtatantrums lang si-siya. Hi-hindi pala. " Napaupo ulit ako sa kama.

"Sam...Sam, hello?"

"Hmm?"

"Makinig ka sa akin, ha?" Tumango na lang ako. "Walang may kasalanan kung bakit--"

"Pe-pero ako ang Mommy niya dapat alam ko."

"Sam, kahit na ikaw ang Mommy niya hindi naman necessary na alam mo lahat-lahat sa anak mo. First time mom ka pa lang at napakabata mo pa. Atsaka walang nagbeblame sa'yo. Walang may kasalanan. Okey?" Tumango ako. "Sam okey ba tayo?"

"O-okey."

"Dalhin niyo na si baby doktor. Susunod ako kapag natapos ang meeting ko. Kung hindi man ako umabot uuwi na lang ako bahay. Pakinggan mong mabuti iyon instructions ng doktor, Sam. Ipasulat mo na lang kung hindi mo ganoon maintindihan tapos babasahin ko pag uwi ko. Isama mo si Ate Aida bukod kay Simone. Okey?"

"O-okey..."

"Mommy, tama ng iyak. Walang may kasalanan, okey? Wala. Minsan talaga kahit ayaw natin magkakasakit at magkakasakit si baby. Sige na. Tawagan mo ako kung anuman balita."

"O-okey."

"Tahan na. Hindi ko ibababa ito hangga't hindi ka tumitigil sa pag-iyak."

"Hindi na ako naiyak." Pinigilan ko na ang paghikbi ko.

"Good. Ingat kayo ni baby, ha? See you later."

...
"How is he?" Silip ko sa kwarto ni baby. Nandoon si Matt at nakabantay lang dito.

"Better. Tulog pa rin. Drowsy di ba iyon gamot niya kaya ayon knocked down." Ngumiti ako. "Tapos ka ng mag-aral?" Umiling ako.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon