"How?" Nakaabang na agad si Matt sa pintuan ng banyo at ang laki-laki ng ngiti."Not pregnant, Daddy. Huwag muna kasi ngayon. Naghahanap pa akong trabaho." Irap ko pa rito. Dalawang linggo pa lang naman ang nakakalipas simula ng may nangyayari na sa amin at nang sinabi kong delayed ako kaagad bumili ng limang kahon pregnancy test at araw-araw ay nagtetest ako.
"Ang cute mo kasi, Mommy kapag buntis." Pinameywangan ko na ito. "Tapos ganyan nagtataray ka. Ay sus! Ang sarap mong asarin kapag buntis ka."
"So iyan talaga ang pakay mo? Buntisin ako at asarin ako kapag buntis ako. Very mature, Matt." Kinuha ko na ang twalya ko para maligo. Pupunta ako sa school ngayon para makuha ang diploma at tor ko pati na rin ang pictures at year book.
"Ang taray mo talaga kapag umaga 'no?" Hinapit nito ako sa bewang. Nagpupumiglas ako at talagang tinulak ko siya at napahiga siya sa kama sa tulak ko.
"You should know that by now, mister!" Binelatan ko pa siya. Ngumiti naman ito at alam ko ang ibig sabihin ng pilyong ngiti niyang iyon. Mabilis itong bumangon ng kama para hulihin ako. Mabuti na lang ay kaagad akong tumakbo sa may mesa sa kwarto at ito ang pumapagitna sa amin. Para kaming batang nagpapatintero.
"C'mon, baby try to escape from me. Kapag nagawa mo iyan kahit anong hiling mo ibibigay ko." Hinuhuli pa ako ng kamay niya pero mabilis akong nakaiwas rito.
"Kahit ano?" Naghahamong sabi ko.
"Except leaving me..." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Palagay ko ay traumatized pa rin si Matt sa thought na iiwan ko siya kahit na ilang beses ko na siyang inassure na wala na akong balak.
"Sure! Iba ang hihilingin ko sa'yo." Kindat ko pa rito. Muntikan na akong maabot buti nalang ay mabilis akong nakapunta sa kama. Hinabol naman ako nito at aaktong aabutin ako sa kama.
"Name it. Pero kapag nahuli kita ako naman ang may hihilingin sa'yo."
"Ano naman iyon?"
"Secret! Kailangan pahuli ka muna sa akin."
"Ang bakla ng 'secret', Matt." Natatawa kong sabi. Sa dalawang linggong pagiging intimate at open namin sa isa't isa ay marami akong natutunan tungkol sa kanya. Gaya na lang na magaling siyang magjoke at magaling siyang gumaya ng expression ng mga maarteng babae. Gustong-gusto ko kapag nagsasalita siya 'duh' at may kasama pang irap.
"Sige ka, Sam, iiyak ka kapag lalake na ang type ko." Natawa na ako.
"Please lang, Matt, lalake ang anak mo. Huwag kang ganyan!" Biro ko pa. Muntikan na nitong makuha ang kamay ko dahil umakyat rin ito sa kama pero kaagad akong bumaba ng kama.
"Aww!" Mali ang pagkakaapak ko at mabilis akong sumubsob sa carpet ng kwarto. Unang tumama ang labi ko at ramdam kong masakit iyon.
"Baby!" Kaagad akong binuhat ni Matt mula sa sahig at pinaupo sa kama. "Anong masakit? Saan ang masakit?" Hawak ko ang nguso ko na naunang tumama. Tiningnan ko ang kamay ko na may hawak rito at nagdurugo iyon. "Tsk! Pumutok ang labi mo." Tinanggal niya ang kamay ko sa labi ko at tiningnan nitong mabuti ang labi ko. Masakit. "Wait lang ha. Kukuha ako ng bimpo." Mabilis itong pumunta sa cabinet at kumuha ng bimpo. Inabot niya sa akin iyon. "Press, baby. Kukuha ako ng yelo sa baba." Tumango ako sa sinabi niya.
Mabilis siyang nakabalik at may dala na itong yelo at nilagay niya ito sa labi ko. Ang hapdi!
"Wala nang harutan." Seryoso pang boses nito na tila pinapagalitan ako.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...