Chapter 8 - Sammy

4K 177 51
                                    

"Hi Mommy." Namulat ako at nakita ko si Matt na may dala-dalang baby. Tumingin ako sa tiyan ko at lumiit na nga ito at kaagad bumalik ang tingin ko kay Matt. Nakangiti ito at dala-dala nito ang baby...ang baby na nasa tiyan ko. "Do you want to look at him?" Lumunok muna ako at tumingin ng matagal sa kanya. Nakangiti lang sa akin si Matt at hindi ko alam ang sasabihin ko. Lumapit ito sa akin at may kinuha ito sa gilid ng kama. Narinig ko ang kung anong makinarya na nagpapaangat sa higaan ko.

"Ah!" Napahawak ako sa tiyan ko sa sakit dahil sa pag-angat ng kama ko

"Sorry...palagay ko nagwewear off na ang anesthesia." Naalala ko naman na ceasarian ang naging panganganak ko at may opera ako. "Ito na si Baby Sammy...Dahan-dahan lang."

"Sammy?"

"Wala lang. Hindi pa tayo nag-iisip ng pangalan niya. Pero dahil kahawig mo siya kaya tinatawag ko siya sa palayaw mo." Marahan inabot sa akin ni Matt ang baby na tinatawag niyang Baby Sammy. Hinawakan ko siya sa bisig ko. Napakaliit niya at wala siyang buhok. May puti-puti sa mukha niya at sa katawan. Nakapikit siya. "Nagising na siya kanina pero nakatulog na ulit. He got very beautiful eyes like yours." Ginamit ko ang daliri ko na hawakan ang maliit na mukha niya. He is very soft. Hinawakan ko ang maliit niyang ilong, labi, pisngi, noo at tenga. Nakikita ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya. Buhay siya. Gumalaw ito na tila nagulat. Napangiti ako sa paggalaw niya. Hinawakan ko ang maliliit niyang braso. He is so soft. Hinawakan ko rin gamit ang daliri ko ang kamay niya na nakakuyom. Bigla itong nagbukas at hinawakan nito ang daliri ko. Napasinghap ako. Ito ang sanggol na nasa sinapupunan ko. Buhay siya at wala na siya sa tiyan ko. "He is so beautiful, Sam. Thank you. Thank you for bringing him to life." Tumingin ako kay Matt sa sinabi niya at lumapit pa ito sa akin. I bring him to life? Galing siya sa akin at dinala ko siya ng matagal. Kinain niya lahat ng kinain ko at naramdaman niya lahat ng naramdaman ko. Parte siya ng ako. Parte siya ng buhay ko. "He is your son, Sam. He is our son." Tumingin ako kay Matt sa sinabi niya. My son? This baby is my son. Nakaramdam naman ako ng kakaibang mainit na pakiramdam sa dibdib ko. Tumingin ako sa kanyang mabuti at humikab ito. Nanginginig ang labi ko sa pagpipigil ng emosyon sa dibdib ko. "He opened his eyes." Tumingin ako sa baby ko at nakadilat nga siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Napaluha na ako. "Baby, that is Mommy holding you. I know you can't see your Mommy yet but I want to tell you that she is very beautiful like you."

...
"Masakit." Tingin ko kay Simone. Binebreastfeed ko si Baby Sammy gaya ng tawag ni Matt sa kanya. Ang sakit ng dibdib ko at nararamdaman ko ang munti niyang bibig na kumukuha ng gatas sa dibdib ko.

"Sa una lang yan masasanay ka rin." Tiningnan ko ang maliit na monster na kumukuha ng pagkain sa akin. Mukha siyang gutom na gutom.

"Ayoko na." Masakit talaga at hindi ko naisip ang ganitong sakit isama mo pa ang pagkirot ng tahi ko sa tiyan.

"Kailangan, Sam. Itong unang tatlong araw kailangan. Kasi lahat ng sustansya para sa baby mo ay nasa gatas mo." Napalunok ako. Kung dati rati ay kahati ko siyang kumain sa tiyan ko ngayon naman ay para siyang bampira na sumisipsip ng gatad sa akin. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari sa akin. "Mamaya tutulungan kitang imasahe ang dibdib mo para hindi ganoon kasakit."

"Ano? Imamasahe mo ang dibdib ko?" Nakikita na nga ni Simone ang gahiganteng dibdib ko ngayon pero wala naman akong balak na ipahawak sa kanya. "Ayoko."

"Eh sinong gusto mo si Matt?" Pinanliitan ko siya ng maya sa sinabi niya. "See." Ngumiti ito sa akin. "Mommy Sam tulog na si baby. Mukhang busog na rin siya." Tumingin ako sa kanya na nakahawak pa talaga sa dibdib ko at nakapikit na nga ito at tumigil na ito magbreastfeed. Kinuha ito ni Simone at nilagay sa crib niya na katabi ko. Inayos ko na ang sarili ko at binuksan na ni Simone ang pinto. Nandoon si Matt sa bungad na tila naghihintay. Wala itong ibang ginawa kundi tingnan ang baby.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon