"Sammy no!" Habol ko pa kay Sammy sa hotel function hall. Dito gaganapin ang birthday party ni Sammy at kasama na rin ang handa sa dedication. Napakulit nito at takbo ng takbo. Lumulusot pa ito sa ilalim ng mesa at natatakot ako na bigla itong madaganan. "Sammy, aalis na si Mommy. Iiwan na kita." Banta ko pa. Hindi kasi ito titigil sa pagpapahabol sa akin kapag hindi ko sinabihan.
"Mommy! Mommy!" Sigaw nito at lumapit na sa akin at nagpakarga. Alam niya kasing kapag sinabi ko ay gagawin ko. At kahit two years old palang ito ay kailangan na raw disiplinahin sabi ni Mama.
"Good baby! Huwag mo pagurin si Mommy ngayon, okey? Marami tayong bisita at aasikasuhin rin iyon ni Mommy. Behave lang dapat si Baby Sammy." Nakatingin sa akin si Sammy.
"Mi! Mi!"
"Tama." Nakita ko na agad sa bungad sina Mama at Papa kasama ang mga kapatid ko na sina Joelle at Amos. Nag-uunahan silang tumakbo patungo sa akin at mukhang excited na excited sila.
"Ate!" Unang nakarating sa akin si Joelle at tiningnan nito si Sammy. "Ate, siya ba iyon baby mo?" Ngumiti ako. Palagay ko ay nasabi na rin ni Mama ang tungkol sa anak ko.
"Yes, Joelle. Tita Joelle meet Baby Sammy." Hinawakan ni Joelle ang kamay ni Sammy at nilaro-laro iyon. Tumawa naman ito ng tumawa.
"Ate! Baby mo iyan?" Tanong pa ni Amos. Tumango ako. "Ang ganda niya ate." Lumapit pa ito at pinahalikan ko kay Sammy.
"Amos, boy si Sammy. Pogi dapat."
"Ay boy siya? Mukha siyang girl." Napangiti ako. "Kamukha mo siya ate."
"Siyempre, Amos."
"Bakit hindi siya kamukha ni Kuya Matt? Di ba anak niya rin si Sammy?" Makulit na tanong pa nito.
"Hayaan mo, Amos sa susunod na baby namin ng ate mo kamukha ko na." Napalingon naman ako at nakita ko si Matt na katabi na pala namin. "Pogi rin para tatlo na tayong pogi." High five pa nito sa kapatid ko. Tumawa naman si Sammy.
"Nasaan na sina Mommy Naomi?" Tanong ko kay Matt dahil akala ko ay magcoconvoy sila nila Mama at Papa.
"Ayan na po, Mommy." Turo sa akin ni Matt at nakita ko naman nasa pintuan na sila kasabay ng ilang mga bisita. Malaki ang ngiti ni Tita Naomi at talagang dumaretso sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"How are you, hija? Matt said you are delayed. Preggy?" Lumayo na si Matt sa akin at may inasikaso na bisita. Gusto kong panlakihan ng mata ito. Last month at ganoon rin ito noon delayed ako at pinamalita niya na talaga kay Mommy Naomi at tumawag ito at kinakamusta ako. Pinagalitan ko na nga siya pero heto at sinabi na naman niya. Lagot sa akin ang lalake na iyon!
"Hindi po, Mommy. Nagtest na po ako ngayon umaga at negative po. Excited lang po si Matt. Hay naku ang anak niyo." Tumingin sa akin si Matt sakto at inirapan ko ito. Ngiting-ngiti lang ito sa akin.
"Ganyan talaga, Sam. Mahal na mahal ka ng anak ko at this time your baby is made because of love." Tumingin ako kay Mommy Naomi dahil sa sinabi niya. "But Sammy here is the reason how the two of you fall in love. You are God's gift to us, baby boy." Halik pa nito sa pisngi ni Sammy at yakap niya rito. Kinukuha ni Mommy Naomi si Sammy pero ayaw sumama. "Ay iyan anak mo talaga, Sam. Buntot mo na talaga." Ngumiti ako. "Oh sige, puntahan ko muna si Daddy Peter mo." Tumango at ngumiti ako rito.
"Ma'am." Lumingon ako sa tumawag sa akin at iyon pala ang coordinator ng party namin. "Three na po. Pwede na po tayong magsimula?" Tiningnan ko naman ang mga tao at marami na at marami na rin parating.
"Let's start your birthday party, Sammy."
...
Nagpapagames na ang coordinator namin at lumabas na rin ang mascot na minions. Akala ko nga ay matutuwa si Sammy pero it turned out na natakot ito dahil sa laki ng mascot at nagpakarga lang sa akin sa buong duration na nandoon iyon mascot. Hindi na nga kami nakapagpaicture rito dahil umiiyak ito at hindi makalapit ang mascot sa amin.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...