"Hindi ko alam." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Jessie. Hindi raw pwede ang bahay ng mga kagrupo namin para gawin ang dissertation namin at sa bahay namin ang napagdesisyunan. "Bakit si Mark? Siya ang leader natin."
"C'mon, gugustuhin mo pumunta kina Mark?" Umirap ako kay Jessie. "Ilang beses ka niyang niyaya sa kanila para ipakilala sa pamilya niya. Naku, Sam."
"Tatanong ko muna kay Matt...kay kuya."
"Sige na para makita ko na rin si Kuya Matt. I bet gwapo siya. Magkapatid kayo eh."
"May asawa na siya." Irap ko kay Jessie.
"Well, pwede naman maghiwalay." Umiling na lang ako kay Jessie.
"Kay Mark ka na lang."
"Eh ayaw nga sa akin ni Mark. Ikaw ang gusto niya. Naku naman Sam hindi mo pa rin nahahalata?"
"Hindi ko siya gusto." Napabuntong hininga na lang ako. Halata ko naman iyon at sinabi ni Mark iyon sa akin at sinabi ko sa kanya na ayoko sa kanya at kailangan ko pang magtapos ng pag-aaral. Sinagot niya ako na hihintayin niya raw ako. Hindi ko na lang inintindi ito. "Sige na tatanungin ko pa si kuya." Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na papayag iyon pero ang inaalala ko ay ang mga tao sa bahay. Pwede ko naman pakiusapan sina Simone at Ate Aida pero ang hindi ko mapakikiusapan ay si Sammy. Kapag narinig lang ang boses ko ni Sammy ay iiyak na iyon at hahanapin na ako. At kapag kinuha ko naman ay wala na akong magagawa dahil sa akin lang iyong sasama kapag nagkataon. Sabi ni Mama ay nangingilala na raw ito ngayon.
"Tanungin mo na ngayon para makapagplano na tayo sa Sabado." Pinindot ko ang pangalan ni Matt sa phone ko at nagring ito. Hay...
"Sam. Anything?"
"Kuya...ano..."
"Oh...kuya...kaharap mo ang mga kaklase mo?" Napabuntong hininga ako at mukhang nang-aasar pa siya.
"Oo...ano...pwede bang sa bahay kami gumawa ng final writing ng dissertation namin? Wala na kasing ibang lugar at...pero pwede pa kaming maghanap kung hindi pwede. Alam mo na kung may bisita ka."
"Wala akong bisita sa Sabado, Sam. Sa bahay lang ako at tuturuan kong magbasketball si Sammy." Napairap ako sa sinabi niya. "Okey lang. Gamitin niyo ang bahay. Open iyon sa mga kaibigan mo." Alam na alam ko na ang sasagutin niya. Pero sana man lang...hay! Nakakainis talaga si Matt.
"Okey...sige na kuya, bye." Nagsasalita pa siya ay binabaan ko na ito ng phone. Ang laki-laki ng ngiti ni Jessie.
...
"Ano sa palagay mo, Sam?" Tumingin ako kay Mark ng tanungin niya ako. Ayoko na ngang magsalita dahil maririnig ako ni Sammy at hahanapin ako noon panigurado. Peaceful na sila ni Matt sa kwarto. Pinatulog ko muna ito bago ang oras na pumunta ang mga kaklase ko."I think it's good." Mahina kong sabi kahit na meroon akong tanong sa sinabi niya ay sumang-ayon na ako para matapos na. Ayoko ng mahabang diskusyunan. Mas maganda na makauwi na sila ng maaga.
"Hindi nga, Babe ay Sam pala." Inirapan ko si Mark sa sinabi niya. Nag-iritan ang mga babaeng kasama ko.
"Huwag tayong masyadong maingay magigising si baby." Sabi ko at tumingin ako sa taas ng bahay. Mabuti naman at wala akong narinig na pag-iyak. Sabagay nandoon naman si Matt.
Nagsimula na ulit kaming ayusin ang mga figures ng study namin at kung ano pa ang kinomento ng panel namin. Sa totoo lang ang active lang sa grupo ay si Mark, Jessie at ako. Ang natira naman kagrupo ay abala sa social media o di kaya naman ay may kausap sa phone. Well, siguro nga sa grupo meroon talagang bystander lang. Naghihintay na matapos. Tanging presence at pera lang ang nacontribute. Pero mas mabuti na iyon kesa sa wala. Ang akin lang mapasa ko ang dissertation, makapag on the job training at makapagtapos. Gustung-gusto ko nang matapos sa pag-aaral ko.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...