"Last question, ayaw mo ba talaga doon na lang sa company ko. Atleast doon makikita kita at walang mambubully sa'yo." Tiningnan ko lang si Matt sa sinabi niya. Nagdadrive ito patungo sa pupuntahan namin na sinabi niyang Tita niya na maari kong pasukan na on the job training.
"Sa tingin mo ba sa akin ako ang tipo na magpapabully?" Taas ko pa ng kilay sa kanya. "Atsaka Matt hindi ka ba nauumay sa mukha ko? Sa bahay ako na laging nakikita mo pati ba naman sa trabaho?"
"I always loved looking at you." Inirapan ko na ito. Bukod sa madalas na pagtitig niya ngayon ay iba itong makitungo na sa akin. Nagsimula ito ng birthday ni Sammy at mukhang palala ng palala.
"Ano bang problema mo, Matt? Nagiging sobra ka ng weird ha."
"Weird? Ako?" Hindi pa nito makapaniwalang tugon.
"Oo...napapansin na kita ha. Sobrang dalas na talaga kung titigan mo ako. At-at what is wrong with you?"
"What?"
"Kung makangiti ka diyan parang may kakaibang tumatakbo sa isip mo. Sabihin mo nga Matt kailangan na ba kitang ipaadmit sa mental asylum?" Tumawa naman ito ng malakas. "Hay naku tumigil-tigil ka nga diyan kung ayaw mong mag-alsa balutan kaming lahat sa bahay at iwan ka namin.
"Huwag naman, Sam." Lumiit na ang pagngiti nito at mas mabuti na iyon kesa sa napakalaking ngiti niya kanina.
"So tigilan mo na iyan mga kaweirduhan mo at iyan mga pagtitig mo."
"Selective kasi ang mga mata ko ngayon."
"Selective?"
"Yup...lagi kasi ikaw ang hinahanap." Napailing na lang ako kay Matt.
"Hay naku ang corny naman. Bumabanat lines ka na rin ha. Please lang KUYA Matt huwag ako ang pagpraktisan mo. Nabubwisit ako." Irap ko sa kanya.
"Hindi ako bumabanat. Totoo ang sinasabi ko. Pag-uwi ng bahay ikaw agad ang hinahanap ko at gusto kong makita pangalawa lang si Sammy. Kapag aalis ako ng bahay ikaw ang gusto kong huli kong makita bago ako umalis. Gusto nga kitang picture-an para ilagay ko sa screen ng phone ko ang picture mo para lagi kita nakikita."
"What is wrong with you?" Tinaasan ko siya. "You are scaring me." Tumawa lang ito.
"Is it wrong to admire your beauty?"
"If you are going to admire it then just keep it to yourself. At kung titigan mo ako make sure na hindi ko mahuhuli. Akin na ang phone mo."
"What's wrong with your phone?"
"Akin na." Inabot nito sa akin ang phone niya at kinuhanan ko ang sarili ko. "Ayan. Happy?" Ngiting-ngiti si Matt sa ginawa ko. "Ngayon please huwag mo na akong titigan ng personal. Titigan mo na lang ang picture ko. Okey?"
"Bakit naman ako titingin sa picture kung nakikita ko naman ang real thing."
"Pahiram ulit ng phone mo." Binigay niya ulit sa akin at binura ko na ang picture ko.
"Anong ginawa mo?"
"Binura ko. Niloloko mo na ako." Umirap ako sa kanya.
"Ikaw talaga ang taray mo 'no?"
"Alam ko at buti alam mo." Tumawa na naman ito. Meant ko na inisin siya pero in return ay tumawa pa siya.
"Sige na titigil na ako sa pang-aasar. Nandito na tayo, baby."
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...