Chapter 21 - Choice

3.8K 179 75
                                    

Tumingin ako sa kinaroroonan nila Matt pero hindi ko sila lubos makita. Ngumiti na lang ako sa kanila habang kinukuhanan ng litrato at binagay sa akin ang diploma ko. Ngayon araw na ito ang graduation ko. Ngayon araw na ito ang pinakahihintay ko.

Matapos ng graduation ceremony ay nagkita-kita na kami sa labas nila Matt kasama sina Sammy at sina Mama at Papa. Inimbitahan sila ni Matt na pumunta at laking pasasalamat ko sa ginawa niya. Kaagad lumapit sa akin si Sammy at may dala-dala itong bouquet ng red roses na alalay ng Daddy.

"Mommy! Ers...ers!"

"Thank you, baby." Kinarga ko na ito at kinuha ang bouquet na ayaw pa niyang ibigay sa akin. Tinitingnan pa nito ang suot kong toga. Tiningnan rin ako nitong mabuti dahil na rin siguro sa make up at sa ayos ko ngayon. Mukhang naninibago ang anak ko sa itsura ko. Nilagyan ako ng simpleng makeup ng stylist na kinuha ni Matt at ikinulot din niya ang mahabang buhok ko. "Graduate na si Mommy, baby! Ito ang pinakahihintay ni Mommy."

"At-at-hin Mommy!" Hindi ko man maintindihan ang sinabi ni Sammy pero ang laking tuwa ang naidudulot niya sa amin kapag sinusubukan niyang makipag-usap.

"Hi Sam!" Napalingon ako at nakita ko si Mark na kasama ang mga magulang niya. "Congratulations." Ngumiti ako ng lumaki.

"Congrats too Mark." Pakikipagkamay ko pa sa kanya.

"Hi Kuya Matt!" Tumango naman si Matt at ngumiti rito.

"Congratulations, Mark." Nakipagkamay rin sa kanya si Matt.

"Sige, kita na lang tayo Sam sa school ulit for diploma and tor." Tumango ako. "Bye baby." Kinuha pa ni Mark ang kamay ni Sammy pero suplado itong iniwasan ng anak ko. Natawa ako. "Suplado." Ngumiti ako.

"Mana sa akin." Ngiti ko sa kanya at ngumiti rin sa akin si Mark. Nagpaalam na ito at umalis na rin.


"Anong gusto mong kainin, Sam? Let's celebrate." Tumingin ako kay Matt sa tanong niya.

"Mas maganda siguro na ibigay niyo muna sa amin si Sammy kahit ngayon araw lang at kayong dalawa ang magcelebrate." Tumingin naman ako kay Mama sa sinabi niya.

"Mama, hindi na po kailangan. Meroon naman po kaming date night ni Sam."

"Matt, iyong date night niyo na ba iyon ay limited na oras lang? Well, ngayon sa amin muna si Sammy kaya pwede kahit late na kayo umuwi. Sige na, amin na muna ang apo namin ngayon araw. Have time to celebrate na kayong dalawa." Hindi ko naman maintindihan si Mama sa sinabi niya. Pwede naman kasi kaming magcelebrate kasama sila pero pinapacelebrate niya ako na kasama lang si Matt.

"Ma..." Tumingin ako sa kanya at umiling. "Gaya po ng sinabi ni Matt may date night po kami." Nagpapababa na si Sammy at binaba ko na ito. Kinuha naman nito ang kamay ko at hinihila na naman ako nito sa nakita niya.

"Gaya niyan...hindi kayo makapagconcentrate kasi lagi kayong occupied ni Sammy." Napatingin naman ako kay Matt at mukhang kumibinsido ito ni Mama. Malakas kasi talaga ang convincing power ni Mama at hindi alam ni Matt iyon.

"Mama, hindi naman po lagi. Atsaka minsan ko lang kayo makasama." Tumingin sa akin si Mama at ngumiti. Ako lang talaga ata ang may kayang bumawi sa convincing power ni Mama although most of the time masasabi kong tama rin kasi ang sinasabi ni Mama hindi lang ako payag sa rason niya ngayon.

"Anak--"

"Hi Sam!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Jessie. Kinuha ni Mama si Sammy at mabuti naman na hindi ito umiyak. "Congratulations! Graduate na tayo!" Ngumiti ako ng malaki sa kanya at yumakap. Niyakap rin niya ako ng mahigpit. Hinila naman ako nito sa isang tabi at lumayo ako sumandali sa pamilya ko. "How are you? May balak ka bang umalis na sa pamamahay niya ngayon graduate ka na?" Tumitig naman ako ng matagal kay Jessie dahil sa sinabi niya.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon