"Sigurado ka bang iyan ang suot mo?" Tiningnan ko ang t-shirt ko, pantalon at chucks ko sa itsura ni Boaz na loose t-shirt na mukhang luma, long sleeves polo na plaid na mukhang mabaho, pantalon na sira-sira at tsinelas na may makapal na goma at sombrero na gawa sa straw.
"Oo." Sagot ko. Ngumiti naman ito na tila nang-iinsulto.
"Alam mo naman hindi mall ang pinuntahan mo 'di ba?"
"Oo, first day ko ito at hindi ako informed kung ano bang dress code."
"You are working to a farm, Sam. Common sense." Umagang-umaga talaga. Nagtitimpi na talaga ako sa lalake na ito. "Let's go."
Sumunod ako sa lalaking simula pa lang ay ayaw na sa akin. Nasaan ang sinasabi niya equal opportunity sa mga trabahador niya? Dahil pakiramdam ko sa una palang ay may prejudice na siya.
"Abel, si Sam bago siya rito sa bukid at itetrain natin siya. Sam, si Abel, siya ang lider ng mga tao rito sa bukid at ang pinakapinagkakatiwalaan ko. Kung may mga bagay ka na hindi alam pwede kang magtanong sa kanya kapag wala ako."
Tumango ako at tumingin kay Abel. Moreno ito, matangkad at matangos ang ilong. Matikas ang tindig niya gaya ni Boaz na tila sanay sa mabigat na trabaho.
"Maganda umaga, Sam." Nakipagkamay sa akin ito at ngumiti. Kaagad naman hinila ni Boaz ang kamay ko mula kay Abel.
"Tama na yan, Sam. Sige, Abel, ako na muna ang magwawalkthrough kay Sam." Nagtanguan naman ang dalawa at sumunod na agad ako kay Boaz. Mabilis itong naglakad palabas ng barn kung saan tinuro niya sa akin ang plano niyang bumili ng mga manok. "Ayokong pagsimulan ka ng away ng mga tao ko, Sam. Puro lalake ang mga tao ko, alam kong mabuting tao sila pero lalake sila at tao rin at hindi ko alam ang magiging reaksyon nila na magkaroon ng kasama ng babae lalo na ang kasing ganda mo. Dalawa lang ang may-asawa sa mga lalake at matanda na sila, dalawang babae at may mga asawa na rin sila. Mas maganda na maging mas malapit ka sa mga babae at kung may tatanungin ka mas mabuti na magtanong ka sa akin. Kinuha kita para magtrabaho rito pero ang mali ko lang hindi ko nakita ang 'risk' ng pagkakaroon ng kasing ganda mo sa lupa ko."
Para palang sumpa ang itsura ko kung ganoon? Hindi na lang ako nagsalita at sumunod ako sa kanya. Mahaba ang nilakad namin at hindi ko alam kung saan kami patungo. Medyo masukal na sa pinupuntahan namin at nakarating na kami sa may bakod.
"Pagod ka na?" Tumingin ako rito. "Araw-araw wala pa ito sa kalahati ng dapat lakarin mo. Malaki ang lupa ko, Sam. Nasa kabilang dulo palang tayo galing gitna. May tatlong dulo ka pang kailangan puntahan, kailangan sanayin mo ang sarili mong maglakad at tumakbo. Iisa lang ang buggy ko at ginagamit namin iyon kapag nagmamadali at may nangyari na hindi maganda. Pinag-aaralan ko pa kung bibili ako ng kabayo."
Sa totoo lang ay pagod na ako sa paglalakad mula sa pinanggalingan namin pero ayokong ipahalata kay Boaz. Naglakad pa kami patungo sa isang dulo at pansin ko na bumagal na ang paglalakad namin. Narating na namin ang isang bakod na may palatandaan rin gaya ng una. "Pangalawa." Tugon nito at hindi ako nagsasalita. Tagatak na ang pawis ko at uhaw na ako. Nanakit na rin ang paa ko. "Kaya mo pa?" Hindi ako kumibo. Nagsimula na ulit itong maglakad at mas lalo kaming bumagal. Napahawak ako sa isa sa mga maliliit na puno dahil sa pagod. Tiningnan lang ako nitong mabuti. Kaagad akong tumayo ng ayos pero pakiramdam ko ay bibigay na ang binti ko sa sakit.
"Pwede ba akong magpahinga saglit?" Tiningnan akong mabuti ni Boaz at humanda ako sa maaring pasaring nito. Alam ko na may masasabi siya. Alam na alam ko.
"Huwag kang umupo. Manatili ka lang nakatayo habang nagpapahinga. Kailangan unti-untiin mo." Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil ang inaasahan ko ay panghuhusga. Tumayo ako gaya ng sinabi niya. "Huminga ka ng malalim tapos kapag binuga mo bumuga ka ng malakas. Ganito." Pinagmasdan ko siyang humiga at bumuga nga siya ng malakas. Ginawa ko rin ito at nakatulong nga. "Better?" Tumango ako. "Bumalik na siguro tayo sa gitna. Bukas na natin puntahan ang dalawa."
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...