"Sige na pumili ka na." Tumingin ako kay Matt. Nagpapasama kasi siya sa akin mamili ng damit niya raw pampasok pero it turns out ibibili niya ako ng damit pang-graduation. Ayoko na ngang pumayag dahil malaki na ang graduation fee sa school na binayaran niya tapos heto at gusto niya pa akong ibili na damit. "Minsan lang iyan mangyari sa buhay mo. Kailangan special." Tumingin ako sa kanya sa sinabi niya. May isang sales lady na nakaformal na coat and tie pa na nag-assist sa akin. Pinakita niya sa akin ang mga blouses at skirts gayundin ang mga dresses. Napako naman ang tingin ko sa pulang dress na nakita ko. Hindi ito matingkad na kulay pula. Nang itanong ko ito sa sales lady ang kulay raw nito ay rose red. Napangiti ako sa sinabi nitong kulay.
"Pwede niyo pong isukat." Hinanap ko muna ang price tag ng damit pero wala akong makita. Hindi naman siguro tataas ito ng dalawang libo. Naisip ko rin makipagbargain kay Matt kapag mahal ang damit ko. May ipon kasi ako mula sa trabaho sa farm at pwede kong sabihin na hati kami.
Tiningnan ko si Matt at hindi ito nakatingin. Bagkus ay tumitingin-tingin ito sa mga damit ng panlalake.
Pumasok na ako sa fitting room at sinukat ang pulang bestida na pinili ko. Napangiti naman ako ng malaki. Three-fourths ang manggas nito pero medyo mababa ang neckline. Parang wrap around ang design ng dress pero hindi ito wrap around. Mukha lang dahil na rin sa paggather ng fabric sa may gilid ng damit. Ang ganda ng effect ng ripples nito sa katawan ko. Hindi ito masikip. Tama lang sa built ko.
"Can I help you with anything, Ma'am?"
"It's okay. I'm fine." Ganoon kadali ay nakapagdesisyon na ako. Ito na ang graduation dress ko. Kaagad ko itong hinubad. Ayokong ipakita ito kay Matt na suot ko dahil baka ano na naman sabihin niya at nahihiya ako kasi may ibang tao.
Lumabas na ako ng fitting room at sinabi ko na sa sales lady na kukuhanin ko ang damit. Pumunta naman ako kung saan ko iniwan si Matt at wala siya roon. May narinig naman ako tila pag-uusap at naririnig ko ang boses ni Matt. Sinundan ko ito at napunta naman ako sa fitting room na iba sa fitting room ko. Fitting room ito ng mga lalake sa palagay ko at nakita ko si Matt na nakasuot ng long sleeves. May kausap itong babae na sa palagay ko ay sales lady rin at may hawak pang ilang long sleeves at tie. Nakangiti itong nakikipag-usap kay Matt. Tumikhim ako.
"Good afternoon, Ma'am. Anything that I can help you with?" Tanong sa akin ng magandang sales lady na pulang-pula ang lipstick.
"Wala naman po. I am just checking on my husband." Ngumiti ako sa kanya at tila nagulat sa sinabi ko ang babae. Ang akala niya siguro ay walang kasama si Matt. Nakita ko naman si Matt na sumilip sa fitting room.
"Hi baby! May napili ka na?" Lumabas si Matt sa fitting room at naglakad lang ako patungo sa kanya.
"Yes." Lumapit pa ako ng mas malapit. "Excuse me po." Excuse ko pa sa sales lady na nakaharang malapit kay Matt.
"Bakit hindi mo pinakita sa akin?" Ngumiti ako at umiling sa kanya. "Okey lang baby. Surprise me." Kindat pa nito at umiling ako. "Can you help with the buttons here." Umurong na talaga ang sales lady sa safe distance mula kay Matt. Tinuro ni Matt ang sleeves niya at ang mga butones roon. Binutones ko ito magkabila at inayos ko rin ang manggas at kwelyo niya. Bagay talaga sa kanya ang blue color. Lalo siyang gumawapo. "What do you think?" Lumayo na ako kaunti sa kanya.
"Bagay, Daddy." Natigilan naman ako sa sinabi ko at ngumiti si Matt sa sinabi ko. Nasanay na talaga akong tawagin siyang Daddy.
"Thanks, Mommy." Kindat pa nito. "I told you miss magugustuhan ito ng misis ko." Tumingin ako sa sales lady dahil sa sinabi ni Matt.
"Oo nga po, Sir. Bagay na bagay po sa inyo. Lalo po kayong bumata at gumawapo." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng babae. Alam kong maaring crush ng babaeng ito si Matt. Tumawa naman si Matt.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...