"Matt? Sammy?" Akala ko ay namamalikmata ako sa nakita kong lumabas ng kotse na sundo ko. "Bakit kayo nandito?" Sumama na agad sa akin si Sammy at talagang niyakap ako ng mahigpit. Nagmadali na akong naglakad patungong kotse dahil baka abutan pa kami ng madaldal na si Janina.
"Friday kasi Mommy. Alis tayo." Tiningnan ko lang si Matt sa sinabi niya. Pumasok na rin ito sa kotse at kami ni Sammy ay pumasok sa likod.
"Saan tayo pupunta? Baka may makakita sa atin na kakilala."
"Malayo naman tayo sa atin, Sam huwag kang mag-alala." Dinismiss ko na lang din ang ideya sa isip ko.
"Teka, paano mo nadala si Sammy?" Ngumiti lang sa akin si Matt.
"Behave naman po ako Mommy sa seat ko." Salita pa ni Matt. Ilalagay ko na sana si Sammy sa upuan niya pero ayaw nitong bumitaw sa akin.
"Bakit kapag ikaw pumapayag siyang magpaupo sa seat niya bakit kapag ako ayaw?"
"Alam mo naman iyan anak mo." Tiningnan ko si Sammy na talagang nakahawak pa sa kamay ko.
"Who dressed you up little boy? Nilalamig ba ang baby ko?" Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Dad-dad-da."
"Si Daddy?" Tumingin ako kay Matt. "Si Daddy talaga ginawa kang suman." Tinaggal ko ang isang layer ng pangginaw niya dahil doble-doble ang suot niya. "Saan tayo pupunta?"
"You'll see...I also asked Simone to packed a change of clothes."
"Ano? Magoovernight tayo?"
"Kung gusto mo lang. Pwede rin naman hindi." Tumingin ako sa kanya sa rear view mirror at nakatingin rin ito sa akin. Hindi ako sumagot pero palagay ko ay hindi magandang ideya iyon.
"Mamamami-mamami-mamami-mami" Tumingin ako kay Sammy ng marinig ko itong magsalita.
"Yes, baby? Why are you calling Mommy?"
"Mamami."
"Mommy."
"Mamomi."
"That's good baby." Pumalakpak naman ito ng kusa at pumalakpak rin ako. Tumawa naman ito ng malakas. Pumalakpak ulit ako at tumawa na naman ito ng malakas. "Good mood ang baby ko ha."
"Siyempre po Mommy. Gagala ako eh." Umiling na lang ako sa pagliit ulit ng boses ni Matt bilang pagsagot niya. "Mommy anong gusto mong kainin?"
"Gusto ko ng mainit. Ang lamig na ngayon dito sa Tagaytay."
"Gusto mo ng bulalo?"
Napatingin naman ako kay Sammy ng umirit ito.
"Gusto mo iyon baby? Sige kakainin natin iyon. Kumain ka ng marami para mabilis kang lumaki at maturuan na kitang magbasketball." Umiling na lang ako. Lagi itong sinasabi ni Matt kay Sammy parang recorded na.
...
"Masarap ba baby?" Pumalakpak naman si Sammy. Pinapakain ko ito ng kanin at nilagyan ko ng sabaw ng bulalo, kaunting karne at gulay na malambot. Tuwang-tuwa ito. Susubo na sana ako ng hinawakan nito ang braso ko."Si Mommy naman Sammy. Pagkatapos sumubo ni Mommy ikaw ulit." Sumubo ako at talagang titig na titig si Sammy sa akin. "Ikaw naman." Hinawakan pa talaga ang kutsara niya. "Sino bang gumutom sa'yo?"
"Pinakain ko muna si Sammy ng merienda bago umalis."
"Defensive si Daddy." Sinubuan ko ulit si Sammy dahil kinukuha na niya ang kamay ko. "Hindi ako naninisi." Tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Journey of Forgiveness
SpiritualForgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better choice. An unwanted pregnancy, a loveless marriage and a husband who abused her, Sam has the worst situation in life but through this dire...