Part 42

31 3 0
                                    

Celestine POV....

Kinabukasan pag gising ko mugto ang mga mata ko. Mali hindi naman pala ako nakatulog... Iniisip ko kung panaginip lang ba ang mga nalaman ko or sadyang totoo yun pero nandito ako ngayon sa realidad na lahat ng nalaman ko ay totoo....

Inoff ko din ang phone ko dahil nakukulitan ako kay mia dahil tawag sya ng tawag... " Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya...

Wala naman kasi talaga ako karapatan magalit sa kanya, dahil una pa lang naman sya na ang biktima dahil hindi ko inamin lahat-lahat sa kanya...

Masakit lang talaga na dalawa pa kami nagawa lokohin ni eon. Pumatak ang luha sa mga mata ko ng maisip si eon! Ang bigat sa loob ko na malaman na niloko nya lang kami, na ginamit lang nya kami ng bestfriend ko...

Akala ko totoong mahal nya ko akala ko hindi nya magagawa na masaktan ako.. akala ko totoo lahat ng pinapakita nya pero isa lang pala kasinungalingan ang lahat...

Napabalikwas ako ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto na parang gusto na sirain yung pinto sa sobra pagkatok... Ayoko sana buksan ang pinto ng marinig ko si eon...

" Open this damn door... Talk to me please ".  Paulit ulit na sabi nya naririnig ko ang pag hikbi nya at malakas na hinahampas ang pinto...

Dahil doon napilitan ako buksan dahil nakakahiya naman sa mom and dad nya kung masisira yung pinto dahil lang di ko binuksan at ayoko lang makita ang anak nila.

Hindi pa ko handa makita ang pag mumukha nya. Na kung pwede lang umalis na ko sa bahay na to ginawa ko na ayoko na sya makita o kahit anino nya pero wala ako choice dahil bahay nya to hindi rin naman kasi ako makakauwi gawa nga na galit sakin si nanay at wala naman sila alam sa pinagdadaanan ko ngayon...

Pag bukas ko ng pinto at pag bungad pa lang ng mukha nya isang malakas na sampal agad ang ibinigay ko nangiginig ang buong katawan ko sa galit ko sa kanya....

Napansin ko din ang pagka gulat sa mukha nya dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero agad nya hinawakan ang kamay ko ng mahimasmasan sya sa ginawa ko...

Hinampas ko yun ng hinampas para bitawan nya, parehas na kami umiiyak ngayon. At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang pilit ko sya pinapalayo sakin... Gustong-gusto ko sya yakapin at kuhanan ng lakas pero paano ko naman gagawin yun kung sya mismo ang dahilan kung bakit ako nanghihina at nasasaktan ngayon...

Paano mo nagawa sakin yun?, I sobbed Paano mo nagawa samin yun ng bestfriend ko? i sniffed I trust you.. i trust you more than anyone but you broke my trust from you.. I'll give everything to you..., Why? My voice almost crack Bakit eon sabihin mo sakin kung bakit? Naninikip ang dibdib ko habang tinutulak tulak sya...

" Im sorry, hindi ko sinasadya. Magpakasal na tayo " he said kaya tumawa ako ng nakakaloka at tinulak ko sya at dinuro...

" IKAW, OO IKAW.... Humikbi ako ANG KAPAL NG MUKHA MO HUMARAP SAKIN NGAYON AT SABIHIN YANG MGA SALITA NA YAN... PUTANG INA.... Halos mawalan na ko ng hininga habang sinisigawan sya MINAHAL KITA.... PAANO MO YUN NAGAWA SAKIN... DINAMAY MO PA SI MIA SA KATARANTADUHAN MO..." i sniffed.. at napahagulgol na din...

Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan... Hinampas ko ang dibdib ko to ease my pain pero mas masakit yung nararamdaman ko.... Alam mo lahat ng nangyayari sakin, alam mo na mahina pa ko pero tangina naman paano mo nagawa saktan ako at pati ang bestfriend ko... Humikbi ako napaupo na ko sa sobrang pang hihina... Nawawalan na ng lakas.

SET YOU FREEWhere stories live. Discover now