Ma...
Nak? kamusta araw natin? nakangiti niyang tanong at iniwan ang ginagawa para mahalikan ako.
Okay lang po. May sasabihin lang sana ako, ma.
Ano yun?
May camp po kasi sa church bukas, 2 days and one night daw ito...kung papayagan niyo lang po ako. pagpaalam ko.
Bukas? wala naman kayong klase bukas at sa susunod na araw noh?
Opo, kasi holiday.
Sige anak, okay lang sa'kin. May kasama ka ba? bigla akong kinabahan sa tanong niya. Hindi pwedeng sasabihin kong si Lyde, baka anong iisipin ni mama.
A-ahmm, I'll try to ask Yannie po. wala din itong kwenento sa'kin tungkol sa camp, baka hindi niya rin alam.
Sige, basta siguraduhin mong may kasama ka para mag-enjoy ka rin. I smiled.
Thank you po!
May mga sinabi pa sa'kin si mama, mga bilin para bukas eh bukas pa naman yun eh, hindi ngayon.
Maya't-maya kong sinisilip si Lyde sa labas, hindi pa kaya yun umalis?
Napakagat ako ng labi nang makita si ate Rina na lumabas sa kwarto niya. Tiningnan niya ako isang beses, yung nakakatakot na tingin at dumiretso sa labas, shoot!
Phone's ringing...
Sagutin ko lang anak ah?
Sige, m-ma.
Rina? yes po...ay! ikaw po ba yung nag-order? okay sir, saglit lang po.
Nak, paki tawag ng ate mo. aniya habang nilalayo ang cellphone para hindi marinig ang sinabi niya.
Dali-dali akong naglakad palabas at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makitang kinakausap ni ate si Lyde.
Lyde, right? do you have a crush on my sister? nanlaki kaagad ang mata ko nang marinig iyon, what the---
Aangal na sana ako nang bigla itong sumagot.
Yeah...napakurap-kurap ako ng ilang beses. no! haha, the answer to your first question po. koreksyon niya. I sighed after that.
Ohh, akala ko---
Ate, pinapatawag ka ni mama. ang sama ng tingin niya sa'kin habang nilampasan ako.
Hinatid pa. bulong niyang sabi bago pumasok sa bahay.
Lumabas ako sa gate at nakita kong nakatingin lang ito sa'kin, hinihintay ang sasabihin ko.
She agreed. I'll ask Yannie too.
Good. Sabay na kayo ni Yannie sa'min bukas, magdadala ng sasakyan si kuya. he offered.
May jeep naman.
Sige na, ito naman nagmamagandang-
loob na nga yung tao.
You're so makulit, Lyde.
You're so conyo too. at ginaya pa ang pagdadabog ko kaya ang ending, natawa nalang ako.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
SaggisticaSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
