Chapter 4: Cycling

12 1 0
                                        


May jowa ka na noh? muntikan na akong mabulunan sa tanong na yun.

Ano? hindi ko makapaniwalang tanong habang pinupunasan ang bibig.

May jowa ka na. Sino ba yung humatid sa'yo kagabi? ha? nanlalaki pa ang mga mata niya.

Just someone.

Someone? wow, at ginabi ka pa ng uwi, bakit? nagdate kayo? hindi ka na marunong magpaalam kay mama, nagdedesisyon ka na sa buhay mo?

Nagpractice lang kami sa school kaya nagabihan. Sumali ako sa banda kasi mag-pperform kami sa susunod na araw kasi may bisita sa school. I don't know why I'm explaining to her.

At sino naman ang naghatid sa'yo kagabi? jowa mo, diba? wala na sana akong planong sagutin siya pero si mama na ang sumagot sa tanong nito.

Si Lyde lang, Rina.

Lyde? yung drummer sa church? 'di niya makapaniwalang tanong. crush mo yun noh kaya sumabay ka?

I will never do that, hindi ako ganon lumandi. At isa pa, hindi ko siya crush. sasabay sa scooter? ganon? tss, cheap!

Aba, siguraduhin mo lang talaga. gets ko kung bakit niya yun sinabi. Pareho naming nasaksihan kung gaano kadaling laruin ni Lyde ang mga babae.

Lumaki kaming sabay kaya alam namin ang gawain ni Lyde pati narin ang kuya niya. Magkadugo talaga silang dalawa, walang pinagkaiba. Pero mabait naman si kuya Lloyd, batang kapatid ang turing nun sa'kin hanggang ngayon. Lagi akong pinapansin nun sa church kaya hindi ako na-oout of place. Hindi gaya ni Lyde. Hindi sa galit ako kasi hindi ako pinapansin pero pinapansin lang ako para asarin, nakakainis!

Ligpitin mo yan. utos niya at iniwan ang pinagkainan sa mesa. Ganyan naman talaga siya, laging nagpapasilbi sa'kin. Lahat ng gamit niya ako ang lumiligpit. Parang yaya niya na nga ako, wala nga lang sweldo, psh!

Ako na niyan nak, baka malate ka sa klase. nag-aalalang sabi ni mama at binaba ang bag para siya na ang maghuhugas.

Wag na ma, ano ka ba mas malayo ang pupuntahan niyo. Malapit lang naman yung school, ako na dito.

Hayss, ayan ka na naman Sienna. wala siyang ibang nagawa kundi kunin ulit ang gamit.

Love you, ma!

Love you, nak!

And because of that, nagkaroon ako ng ganang maghugas, haha. I just love my mama, my inspiration and motivation in life. The reason kung bakit ako masaya kasi siya ang nagturo sa'kin kung paano makuntento kung ano ang meron ako kaya masaya ako sa mga bagay na meron ako ngayon.



Alis na ako ate.

Edi umalis ka. breath Leigh, breath. It's okay, lesson learned, wag na magpaalam kasi hindi ka naman sasagutin ng maayos.

Douglas! sakay ka na. he offered again, tss.

No need, thanks for yesterday pala. I forgot to thank him because I'm really sleepy na.

Okay lang, sabay ka na.

Just go, kaya ko naman mag jeep. aasarin lang naman niya ako kaya gusto niyang sumabay ako, I know him.

A Decade Of DrumbeatStories to obsess over. Discover now