Ang lamig, grabeee...hindi ko na mabilang kung pang ilang reklamo niya na yan. Hindi na nahiya sa iba naming kaklase pati kay ma'am na bilad na bilad sa araw.
We are planting here in the garden of our school. She borrowed my umbrella, takot mainitan. Sa lahat, siya lang talaga ang naiba. Gosh! may dala-dalang payong habang nagtatanim? my goodness!
Ang ilan sa mga kasama namin ay nagbubulungan dahil sakanya. Ang sama nga ng tingin ni ma'am sakanya at pinaparinggan na maarte siya pero nothing can stop this bitch, kahit mamatay ka na kakareklamo sa kaartehan niya, but the fact that she is a living bitch, adjust yourself.
I let her borrow my umbrella, I will not use it naman. Naglagay naman ako ng sunscreen pero hindi nga ito magiging 100% effective. May lalabas paring freckles pero hindi masyadong marami compared kung hindi ako maglalagay.
I don't like my skin, ayaw ko yung masyado akong maputi. I want to be morena, I'm filipina kaya gusto kong kayumanggi ang kulay ko. That is one of the reason why I want to expose my skin to sunlight.
Nakakatuwa pa lang magtanim. Hindi siya madali pero nag-eenjoy naman ako. Isama niyo pa ang paulit-ulit na reklamo ng mga kaklase ko dahil sa init.
Maaga pa naman eh. I think it's still 10 pero sabi kasi nila mga 7 am to 9 am daw yung may vitamin D tapos ngayon, medyo masakit na talaga sa balat ang init.
Hindi mo na talaga maiintindihan ang panahon dito sa Pinas. Kahit mainit, minsan bigla nalang uulan. This is because of the people ruining the earth, that's why we're experiencing climate change.
Kaya isa sa napagdesisyunan ng mga guro ay ang magtanim kami ng mga puno at iba pang halaman na makakatulong para kahit papano ,may maitutulong rin kami para maibsan ang problem ng mundo ngayon.
We can change the world by doing little things daily.
I can feel my sweat running down on my back. Pinupunasan ko lang ang pawis ko sa mukha gamit ang braso ko kasi madumi ang kamay ko.
Read the instructions on your book carefully. paalala ni ma'am kasi nasa libro namin ang steps kung ano ang tamang proseso sa pagtatanim.
Basa na po yung libro ko, ma'am.
Not my problem Ms.Ramos, kanina ka pa ha. nagtitimpi lang yan kay Mitch, psh!
Tumingin ako sakanya para tingnan ang reaksyon nito. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang payong habang tumatawa.
Eh kasi naman, nilalagyan namin ng tubig ang balde kanina para sa tanim na aming didiligan tapos hawak-hawak niya ang libro kaya ayun, nabasa.
Sana nga matuyo yun, pinapabilad niya sa araw duon sa labas ng classroom namin, haysstt.
Dahil sa sakit ng mga paa ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong umupo habang nagtatanim. Napansin iyon ni Anne at kaagad siyang nandiri sa ginawa ko, duh!
Hindi naman uniform ang suot ko, nagdala talaga kami ng extra na susuotin para sa pagtanim namin. Mandiri siya kapag siya ang maglalaba ng suot ko noh!
Yung iba naming kaklase, tapos na kaya nagsialisan na. Konti nalang kaming natira dito, malapit na akong matapos at kita kong ganon din si Mitch. Ako ang nahihirapan para sakanya dahil sa payong na pinagtitiisan niya talaga.
Mitch, hindi ka naman iitim agad eh.
I'm not like you Leigh na pupula lang kapag naiinitan. and that's what I hate the most, kahit anong bilad ko pupula lang ako. Minsan naman, kapag grabe talaga yung init, mangingitim naman ako pero babalik agad ang natural kong kulay.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
Non-FictionSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
