Chapter 13: Sindikato

8 1 0
                                    


Nanunuod lang ako sakanila na enjoy na enjoy sa pagliligo na may halong asaran.

Kawawa si Yannie, pinagtutulungan ng dalawang kumag. Parang naiiyak na nga ito sa inis, kitang-kita ko dito ang mukha niyang 'di na alam anong gagawin habang ang dalawa, tawa lang nang tawa.

Hindi kasi ako marunong lumangoy at takot rin ako, baka may buwaya. Kinukulit nga ako ni Lyde kanina na tuturuan niya raw akong lumangoy pero ayaw ko talaga, kaya hindi narin ako pinilit.

Andito lang ako sa buhangin nakaupo habang nanunuod ng wrestling, haha. Binibilad ko rin ang sarili sa araw tutal maitim na yung balat ko.

May laro kasi kami kahapon tas nabilad kami sa araw kaya pumupula ang balat ko ngayon sa init. Lulubus-lubusin ko nalang, wala parin namang magbabago, papagalitan parin naman ako ni mama, psh!

Ayaw niyang magpapainit ako, eh yun ang paborito ko. Kapag may beach outing kami, ang iba kong mga pinsan balot na balot o 'di kaya ang iba ayaw maligo kasi takot sila umitim samantalang ako, sinasadya ko talagang ibilad sa araw ang sarili ko.

Ewan ko, ayaw ko kasing maputi ang balat ko. Parang mas bagay sa'kin ang morena, sa palagay ko lang pero siguro isa sa dahilan bakit gusto kong maging morena ay nagsawa na ako sa kulay ng balat ko. At masarap kaya sa balat ang init noh, kaysa malamig sisipuin ka pa.

Nakita kong umahon si Lyde at papalapit ito sa'kin. Waters from her head are slowly falling to his neck, down to his chest,until---

Kinuha niya yung shades sa ulo at sinuot sa'kin. masakit sa mata ang araw. tumabi siya sa'kin, hinihingal. 'di ka naiinitan?

Hindi naman.

Nakakasawang maging maputi?natatawa akong tumango. kaya nga.

Tumingin ako sakanya at ngayon ko lang nahalata na namumula na pala ang mga pisngi niya pati narin ang katawan nito lalo na ang likod.

Wala namang jellyfish sa sapa noh?

Of course! the hell, paano mo---hahahaha! hinawakan ko yung likod niya at agad naman itong umaray.

Ang pula. nag-aalala kong sabi.

Sa init lang yan.

Edi wag ka nang maligo. baka mapunit na ang balat niya sa init kapag naligo parin siya.

Tuturuan pa nga kita.

I told you, I don't want.

Hindi ka talaga interesado? napaisip ako. tingnan mo, you're interested but you're just scared.

Mabubuhay naman ako kahit hindi ako marunong lumangoy noh.

Eh paano kung mahulog ka sa dagat tapos 'di ka marunong lumangoy, edi hindi ka na mabubuhay. the mind of this man, para lang talaga magawa ang gusto niya.

Eh hindi naman ako magpapahulog. duh!

Paano kung ihuhulog kita?

Kaya mo?

Oo.

Kaya mo? talaga? nakangisi kong tanong.

Y-yes...

Sige. tinuro ko yung malaking bato. pupunta ako dyan tapos itulak mo ako, ngayon na. tumayo ako at naglakad na.

A Decade Of DrumbeatWhere stories live. Discover now