Pagod akong naglalakad pauwi sa bahay. Ang dami naming activities na ginawa kanina kaya parang naubos na lahat ng lakas ko.
Namamanhid rin yung paa ko. Pinagsama yung sakit ng ginawa namin sa PE kanina at yung ginawa namin ni Lyde sa Elyu pa.
I'm just acting normal that day para hindi mahalata ng dalawa lalo na si Mitch. Alam kong nagduda talaga yun nung araw na iyon at ang sama ng tingin sa'kin buong araw. Lagi niyang sinasali sa topic yung pagtulog namin ng sabay ni Lyde kaya hula ko nagduda na yun sa'min.
Si Gerald naman, nagpaparinig rin kay Lyde at ang kumag, hindi man lang dumepensa para sa'min at tumatawa lang. Lyde told me he knows it!
Kasi naman lalake siya at mukhang alam na alam ang mga gawaing ganon...or gawain talaga yun ni Lyde?
Maybe he laid a lot of girls in bed before huh? kaya alam na ni Gerald kung ano ang ginawa namin kasi gawain na ito ni Lyde.
No wonder, he's a playboy at marami na rin siyang naging girlfriend or flings kaya imposibleng hindi niya pa ito nagawa. Normal lang naman sigurong makaramdam ng ganito noh? though I don't have the rights to be mad, ano naman ang pinaglalaban ko? haha.
Siguro mag-expect na talaga ako na marami talagang kabalastugan na nagawa yung lalakeng yun. Pambababae pa lang hindi ko na siguro mabilang kung ilan ang babae niya and siguro hindi niya na rin matandaan sa dami nito.
Like Mitch, may naging jowa siya ng 1 day and minutes lang, ganon din ata si Lyde. Because of that, I'm now scared. Napagtanto kong ayaw ko pang seryosohin kung anong meron kami ni Lyde ngayon. Hindi pa ako handa magcommit, I just want to enjoy what relationship we have right now...maybe MU? fling? idunno.
Malabo man ang lahat, hindi man ako sigurado sa mga nangyayari at wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari in the future, but one thing is for sure...I just want to be with him no matter what happens. I just want to be in my safe place.
Yan? I saw her standing outside our house, parang may inaantay ito.
Uy. hilaw ang ngiting binigay niya sa'kin.
What are you doing?
Waiting...for you. nag-aalangan niyang sagot at nagulat ako nang bigla niya akong hilain palayo.
Saan tayo pupunta?
Sa bahay.
Why? tanong ko habang nakatingin sa bahay namin.
Tumaas ang kilay ko nang biglang makakita ng tao sa likod ng bahay namin. For sure hindi ito sa ate, lalake kasi base sa pangangatawa nito.
Leigh?
Y-yeah?
You can stay in our house. at binuksan ang gate nila.
Huminto ako at hindi pumasok. bakit?
Wala lang, namiss lang kita kaya gusto kong makipagchika, you know.
May kinukulikot siya sa kaniyang phone at parang hindi na ako napansin na nasa harap niya.
Akala ko makikipagchika ka?
Hehe, wait lang...
Kinuha ko nalang yung gamit ko sa bag para dito nalang gumawa ng assignment. Mukhang busy siya ngayon pero gusto niya parin akong makabonding. We can bond next time naman kung hindi na siya busy, I'm always available.
Lingon ako nang lingon sakanya pero tulala lang ito. you're acting strange, may problema ba?
Natauhan ito sa sinabi ko at umiling lang. wala naman. May iba ka bang kailangan?
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
Phi hư cấuSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
