Chapter 17: Flirt

6 1 0
                                    


I like your house, parang nag-iba bigla yung plano ko sa bahay ko. natatawa kong sabi habang pinagmamasdan ang ganda ng bahay nila.

Ano pala ang gusto mo dati?

Just a small and simple house like ours, pero parang mas maganda kung ganito pala kalaki kagaya sainyo, it's so elegant, sosyal!

Nah, mas gusto ko nga yung bahay niyo.

Maybe it's time to evacuate. we both laughed.

Wag, mamamatay ako sa ugali ng ate mo. mas lalo akong natawa.

She really needs to meet ate Rina, hanggang ngayon hindi parin sila nagkikita, psh!

Maraming painting yung bahay nila, mahilig daw ang mama niya sa painting.

Nagdadalawang-isip lang ako kung bibilhan ko ba yung mabait mong ate, but I like her paintings. Just the painting, not the painter.

Marami pa siyang tinatago na painting, magaganda. You should tell your mom baka may magustuhan siya.

Sige, sasabihin ko sakanya mamaya.

Umakyat na kami sa second floor, anduon daw kasi ang kwarto niya.

Wow! lakas makaprincess ah.

Of course, only child. sabagay, spoiled ata ‘to sa magulang.

Binuksan niya yung pink niyang pinto at napatunganga nalang ako sa kalakihan ng kwarto niya.

I think this is Barbie's room. she laughed. ang ganda!

Not really.

At ang linis, sabi mo ang dumi ng kwarto mo? all white yung kwarto niya with a combination of pink, bale halos lahat ng furniture at things niya ay pink.

Pinalinis ko, naghire ako ng maglilinis.

Weh?

Promise, hindi ko kasi malinis ang kwarto ko kaagad kaya ayun. sabay kibit-balikat.

This overnight is really unexpected. Timing lang na wala siyang ginawa like me kaya nag-aya akong matulog dito sakanila. She agreed kasi may business meeting daw yung mommy at daddy niya.

I can't imagine na ganito pala kaganda ang buhay niya. She's simple, though mukhang mamahalin naman talaga lahat ng gamit niya lalo na ang mga damit nito pero the way she acts, the way she talks, and the way she interacts with others, hindi halatang mayaman siya.

Why? kasi wala siyang pinipili eh, lalo na sa taong makakasalamuha niya. She's friendly to everyone, hindi rin siya maarte at hindi mayabang.

She didn't even tell me na ganito pala sila kayaman at ganito kalaki ang bahay nila. I asked her before anong trabaho ng mga magulang niya pero ang sabi niya may simple business lang.

Like.....kaya pala busy na busy sa mga business meetings, tss. For sure maganda at malaki ang business ng mga magulang niya, bahay pa lang nila parang mansyon na.

I like your things, so cute.

Tss, dati pa yun nung bata pa ako. Nagsawa na nga ako sa kulay pink, simula pagkasilang ko pa lang pink na yung lagi kong nakikita. natawa ako. Karamihan talaga kapag babae ang anak mo, laging pink. When it's boy naman, blue.

A Decade Of DrumbeatWhere stories live. Discover now